Nakasisilaw na liwanag ang bumungad kay Prima sa pagbukas ng kaniyang mga mata. Pinaikot niya ang tingin sa silid saka na lamang siya nakahinga nang maluwag nang maalalang nag-check in nga pala sila sa hotel dahil sa panandaliang pag-sarado ng kalsada sa gitna ng baha.
Namuo ang kulubot sa noo niya nang mapansing mas naunang magising sa kaniya si Kite at hindi ito mapakaling nagiikot sa buong silid.
"Hey? Ano'ng problema?"
Ngunit tila walang narinig ang lalaki dahil patuloy pa rin ito sa paglakad.
"Hoy!"
Wala pa rin.
"Boss sir, Kite, tatadyakan talaga kita kapag 'di mo pa rin ako naririnig!"
But in the end, tulala pa rin ang lalaki sa sariling isip. Dahil sa inis, dinampot ni Prima ang katabing unan saka inihagis sa lalaki. Sapol sa mukha.
It was enough to get his attention.
"Hey, gising ka na pala..."
"Buti naman pansin mo, baka ikaw pa ang gisingin ko gamit kamao ko kung hindi mo napansin."
"Sorry, may iniisip lang.""
Mas lalong lumalim ang gatla sa kaniyang noo. "Dahil sa resto na naman ba 'yan?"
Umiling ito bago kumuha ng paper coffee cup na may lid at logo ng Starbucks sa loob ng mini-fridge at ibinigay sa kaniya.
She winced as her hands touched the cup. She looked at him menacingly. "Seriously? Malamig na kape?"
Napakamot ng batok si Kite. "Sorry, kanina ko pa kasi nabili 'yan. If you want I could buy a new drink..."
"No need, I can buy it on my own," matigas na sabi niya bago ibinaba ang coffee cup sa lamesitang nasa tabi ng kama.
Habang nag-aayos ng pinaghigaan, dumaan sa isip ni Prima ang inusal ni Kite kagabi. Drugs at ang August 10, 2010... hindi naman shallow si Prima upang hindi maipag-connect ang dots sa mga nalalamang impormasyon.
Ayaw nitong pag-usapan ang nangyari noon dahil kaugnay ang drugs pagdating ang usapan na 'yon kaya naman naging controversial. Ngunit ang natatanging tanong na nanatili sa kaniya, ay kung bakit? Bakit hirap itong pag-usapan ang nangyari noon? Isa kaya itong drug dealer? O gumagamit kaya ito ng droga?
Sa iisipin, namayani kay Prima ang takot at kaba. Paano nga kung tama ang kaniyang hinala? Malamang sa malamang ay ilalayo niya ang bata mula rito, mas maganda na nga sigurong hindi nito kilala ang kanilang anak kung ganoon pala ang lalaki.
But looking at him now... mukhang wala naman itong bisyo. Hands-on pagdating sa business, mabait at mapagpasensiyahin, maunawain din ang lalaki at lulong ito sa trabaho.
Pero paano kung front niya lang 'yon para hindi mabuking ang kung ano mang ilegal na transaksyon ang ginagawa? Saad ng kabilang banda ng kaniyang isipan.
Umiling si Prima. She shouldn't doubt him. Isang linggo na niya itong nakasama at kahit kailanman ay hindi niya ito nakitaan ng kakaibang paggalaw. Siguro mali lang ang pagkaka-interpret niya. Dapat siyang magtiwala kay Kite, tama, she needs to trust him.
At ang pinaka-unang step na dapat niyang gawin ay ang tanungin ito sa kung ano'ng ibig nitong sabihin kagabi.
"Mi— Prima," tawag nito sa kaniya bago pa niya maibuka ang bibig.
Hinarap niya ang lalaki at kunot ang noong tiningnan ito.
"Yesterday... what happened?"
Napangiwi si Prima. Naalala na naman niya ang mainit na halik na kanilang pinagsaluhan kagabi. Muntikan na nga siyang masiraan ng ulo ng dahil sa pag sirit ng masarap na sensasyon sa kaniyang kaibuturan.
BINABASA MO ANG
Tempting the Truth (COMPLETED)
RomanceShe wants to know the truth, the truth behind her unforgettable yet forgotten past. Little did she know, temptation would come helpful along the way. Matagal nang hinahangad ni Prima Leoson ang mga kasagutan sa kaniyang tanong ukol sa kaniyang nakar...