Chapter Thirty-One

82 4 3
                                    

NAIWAN si Prima sa bahay na maluha-luha samantalang nakaalis naman si Patricia dala-dala ang iilang gamit. Malapit ng mag-ala una ng mga oras na 'yon nang marinig niya ang paang bumababa mula sa pangalawang palapag.

Kunot ang noo ni Prima na sinalubong ang batang kabababa lang sa ibabaw. Napakamot ito ng batok na naglakad palapit sa kaniya.

“Bakit gising ka pa? May pasok ka pa bukas.”

Napangiwi si Peña na hindi makatingin sa kaniya. “Meron daw po k-kasing ipapasa na portfolio bukas…”

Napaawang nang malaki ang bibig niya sa narinig. “Ano? Bakit hindi mo sinabi kaagad?”

“N-Nakalimutan ko kasi…”

Ginulo ni Prima ang buhok dahil sa prustrasyon. “My god, anong oras na! Dapat kahapon mo pa sinabi, ano ba 'yan, Pe-” Hindi na niya naituloy ang sasabihin sa iisipin na bata lamang ito at mabilis na mapaling ang attention span. Isa pa, dapat ay dino-double check niya ang mga pangyayari sa school nito, para aware siya.

Bumuga siya ng hangin. “Okay, ako na ang bahala. Matulog ka na ulit doon.”

“Si Mommy Patri po?”

Natulos siya sa kinatatayuan nang marinig ang tanong ng anak. Hindi niya alam ang isasagot, ayaw niyang magsinungaling dito pero ayaw rin niyang maging masama ang tingin sa kaniya ng bata dahil pinalayas niya.

“Sorry,” ang tangi na lang niyang nasabi.

Makikita sa mukha ng bata ang pagkadismaya at galit. Namumuo na ng luhang tumalikod ito sa kaniya at umakyat sa kuwarto nito.

“Lagi mo na lang sinisira ang mga magagandang bagay na nangyayari! I hate you!”

Alam niya, kaya nga hindi na siya nagsalita maliban sa paghingi ng patawad mula rito, eh. Aminado siyang kasalanan niya 'yon, masyado siyang nagtiwala at ito nga ang nangyari, sana pinag-isipan niya muna ang mga bagay bago siya kumilos.

Katulad na lang sa paghanap ng ama ni Peña. Hindi lang si Peña ang nasaktan niya kun'di pati na rin ang lalaking minamahal niya.

Hindi niya agad hinabol ang babae. Subalit, gumawa siya ng portfolio na pinapagawa nito mula sa nabasa niya sa sinulat nito sa notebook. Inabot siya ng isang oras at halos namimigat na ang talukap niya ngumit ginawa niya iyon hanggang sa matapos at ma-perfect kung ano mismo ang nasa isip.

Maga-alas dos na ng umaga siya umakyat sa kuwarto ng anak at tinabihan ito. Nakangiting pinatakan niya ito ng halik sa noo bago nilapag ang portfolio sa drawer na nasa gilid.

Nakataklob ng kumot ang bata kaya hindi niya masyadong makita kaya niyakap niya na lang ito. Hindi niya maintindihan pero nararamdaman niyang sobrang bigat ng kaniyang pakiramdam at gusto na lang niyang ibubos ito.

“Alam mo, Peña, gusto ko talagang marinig na tawagin mo akong "Mommy". Siguro, kapag narinig ko 'yon, makokompleto na ako. Kasi akala ko, kapag nalaman ko na ang nangyari sa akin ng gabing iyon ay mabubuo na ulit ang pagkatao ko, pero bakit gano'n? Feeling ko, wala pa rin akong laman. Lonely pa rin at empty. Hindi ko na alam kung ano'ng gusto ko, pero sana kahit pagtawag mo lang sa akin ng Mommy baka maayos na ako.

“Sorry pala dahil wala na sa tabi mo ngayon si Mommy Patri at Daddy Kite mo. Ako na lang na si Tita-Mommy Prima mo, pinaalis ko kasi silang lahat. Alam kong hindi mo pa maiintindihan pero tingin ko hindi makakaayos sa 'yo si Momm Patri mo, nagsinungaling siya kay Tita-Mommy, eh. At kay Daddy Kite mo, hindi rin kasi siya ang daddy mo pero si Daddy Benison mo. Kagaya ng… hindi si Patricia ang mom mo kun'di a-ako…”

Hindi maiwasan ni Prima na maiyak sa iisiping iyon. She can't wait, sana masabi na niya ang totoo kay Peña. Hindi na niya kinakayang sampung taon na siyang kinikilala nito bilang tita lang. Kailan kaya mangyayari iyon? Patagal nang patagal, nangungulila siya bilang ina nito.

Tempting the Truth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon