Napahilamos ng mukha si Kite, made-delay ang flight niya pauwi ng Pilipinas dahil sa paparating na masamang panahon. Malakas kasi ang ulan at hangin, mahihirapang magpalipad. Balak niya sanang surpresahin si Prima pero mukhang malayo ng mangyari ‘yon dahil sa sitwasyon.
Binuksan niya ang cellphone at tiningnan ang albums. Napangiti siya habang tinitingnan ang bawat larawan na pinapadala sa kaniya ni Prima. Hindi naman mawawala ang sexy pictures nito pero karamihan ay tungkol sa naging unti-unting pagbangon ng babae.
Pinakatitigan niya ang bawat larawan nito. Ang pagtatapos nito ng kursong BA in Graphic Designing, ang unang trabaho nito sa isang advertisement agency bilang isang graphic designer, at ang mga hakbang nito sa buhay. Akala niya, masasaksihan niya ang mga ‘yon ng personal at makakasama niya ito sa mga araw na ‘yon pero may ibang plano ang tadhana.
Umabot ng sampung taon at kalahati ang pananatili niya sa California dahil sa hindi matapos-tapos na proyekto niya. Kung hindi man tinatanggihan ng mga investors, matagal naman ang nagiging proseso para matapos iyon.
Hindi siya makauwi-uwi dahil sa kakulangan ng pera kaya hanggang pagtawag lang at video call ang naibibigay niya rito pati na rin sa anak.
Oo, anak. Hindi man niya dugo ang nananalaytay kay Peña ay tinuring niya na itong parang kaniya. Napamahal na siya sa bata, aaminin niya ‘yon. Bibo pa rin si Peña at nahiligang maging bukas sa bagay na mga pinaniniwalaan.
Nangungulila na siya sa dalawa. Hindi na siya mapakali sa kakaisip na mayakap ang mga ito. Pati na rin ang mga magulang niya. Balita niya ay hindi pa rin gaano nagbo-bonding ang ina at si Prima pero sinusubukan ng dalawa para sak niya at natutuwa naman siya roon.
Nasa kalagitnaan siya nang pagtitingin sa mga litrato nang may maupo sa tabi niya.
“Bwesit mga ganito ‘no?” Tila ba matagal na silang magkakilalang paninimula nito.
Ngumiti rito si Kite upang maipakita ang paggalang. “Oo nga, eh,” tipid niya lang na tugon.
“Hi, I’m Victoria!” Binigyan siya nito nang matamis na ngiti sa labi bago inilahad ang kamay. Wala naman sa isip na kinamayan niya ito. “Ikaw, sino ka?”
“Kite Solidum.”
“Talaga? ‘Yong may-ari ng Solidum’s Restaurant sa may Sunset boulevard? Kaka-open lang no’n ‘di ba?”
Tinanguan niya ang babae.
“Ang sarap ng adobo niyo ro’n, grabe! Doon na ako tumatambay ‘pag nagc-crave ako ng Pinoy foods.” Hindi naiwasan ni Kite ang mapangiti, totoo ba ito? May nakakakilala na sa kaniya pati na rin ang restaurant niya?
Unang beses na nangyari ito sa tagal nang pananatili niya. Parang gusto niyang magtalon-talon sa tuwa! Sobrang likot ng puso niya, parang lumalabas na mula sa ribcage niya. Tila ba gustong kumawala.
“Sige na, Mr. Solidum. Thank you talaga sa paggawa no’n dito sa California!” Nagpaalam na ito saka iniwan siya.
Hindi mawala-wala ang ngiti ni Kite habang pinapanood ang papaalis na bulto ng babae. Magkaka-heart attack yata siya sa sobrang katuwaan!
MABUTI na lang ay hindi natuloy ang paparating na bagyo at maayos siyang nakauwi pabalik ng Pilipinas. Nanginginig na ang buo niyang katawan habang sakay ng kaniyang kotse at nagmamaneho patungo sa tahanan ni Prima.
Tumikhim siya at inayos ang itsura habang nakatigil sa stop sign. “Hi, Darling.” Pumorma pa siya sa rearview mirror para makita ang sariling kalokohan. Mukha man siyang may butas sa ilalim ng mata sa sobrang puyat, masisiguro niyang matutuwa pa rin si Prima sa kaniyang surpresa.
BINABASA MO ANG
Tempting the Truth (COMPLETED)
RomanceShe wants to know the truth, the truth behind her unforgettable yet forgotten past. Little did she know, temptation would come helpful along the way. Matagal nang hinahangad ni Prima Leoson ang mga kasagutan sa kaniyang tanong ukol sa kaniyang nakar...