Chapter Three

203 11 12
                                    


She was in the middle of a call when someone tapped her shoulder. She moved her gaze away from the computer and looked at the person who called her.

It was Wendell. He was smiling from ear to ear at her. Mukhang may magandang balita. Sinenyasan niya ito ng "sandali lang" gamit ang kaniyang kamay at nag-proceed na sa kaniyang call.

"¡Eres una perra tonta."

She sighed calmly. "Okay, Ma'am, as of now, I need you to calm down as we settle this issue."

"Crees que mantendré la calma, perra?!"

"Ma'am, please speak English so that I could understand you better." Narinig naman niyang huminga ng malalim ang babae, mukhang naamuhan sa kaniyang boses. "Now, I will ask you again, Ma'am, have you checked if the cord is properly inserted inside the router?"

Saglit na katahimikan ang bumalot sa kabilang linya bago siya nakarinig ng pag-tunog ng wires. Mukhang ngayon lang nito iyon chineck. Tsk!

"Perra tonta, ¿por qué no me lo dijiste antes?!"

"What is it, Ma'am?"

"¡Tonta! Tonta! ¡Tonta!"

"Ma'am, please—"

So rude!

Binabaan ba naman siya ng babaeng iyon ng walang "Thank you"! Napailing-iling siya mainitin ang ulo niyon at sinisigawan pa siya. Mabuti na lang ay mahaba ang pasensya niya. Isa 'yon sa pinagmamalaki niyang trait. Mataray si Prima, inaamin niya 'yon, pero kailanman ay hindi siya mabilis maubusan ng pasensya. Kaya niyang maghintay hanggang sa maubos na ang sasakyan sa edsa!

Itinabi niya ang kaniyang headphone sa sabitan nito at hinarap ang lalaki.

"Hi, ano 'yon?"

"Na-approve na!" masaya nitong balita.

Nangunot ang noo ni Prima. "Ano 'yong na-approve na?"

"'Yong na-file mong vacation leave."

"Really?" gulat niyang saad. Ang akala niya ay hindi iyon ma-a-approve dahil sa mukhang galit sa kaniya ang HR. Pero na-approve ito.

Totoo nga ang himala! Mali si Nora Aunor!

Ngingiti siyang nag-ayos ng gamit niya at nilagay sa handbag ang mga iyon. Iniisip ang himala. Napansin niyang ngingiti-ngiti rin si Wendell.

She looked at him suspiciously. Something's up. Lagi naman siyang nakikita nito pero hindi naman ganito kasaya ang mukha nito dati. Ngayon lang.

"Ano'ng nasa isip mo?" Hindi ito sumagot at patuloy lang sa pagkagat-kagat ng ibabang labi.

"Wendell, sasapakin kita kapag hindi ka tumino diyan."

Tila kalilisan lamang sa kahibangan ang lalaking napakurap-kurap ito. Natauhan.

"Huh?"

"Why are you smiling like that?" takhang tanong niya sa misteryosong ngiti nito.

"Wala lang."

She lifted her right eyebrow. "Hindi ako naniniwala."

Wendell sighed. "Wala nga..."

Ayaw talaga patinag ng lalaki. Hindi naman niya pipilitin kung ayaw nito. Bahala na nga ito.

"Oh, well, tara na lang. Tinatawag na ako sa HR Office." Nanguna na siyang humakbang tungo sa HR Office at sumunod na lang si Wendell.

Papasok sila ng opisina nang nilingon niya ang kasama. Tatawa-tawa ito habang nagtitipa sa cellphone. Mukhang may kausap.

Tempting the Truth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon