Chapter Seven

163 8 8
                                    


"LOOK, it's not my fault. Binastos niya ako kanina kaya ginawa ko lang kung ano'ng deserve niya! Don't you dare fire me over my reasonable action!" Prima did not waste any minute.

"No, Miss Prima, God no. I know where you're coming from. I was there, I saw the whole scene. Hindi mo kailangang maging defensive sa akin." Nakahinga naman siya ng maluwag sa sinabi ni Kite na tinapunan ng tingin ang dibdib niya.

"Okay, then, bakit mo ako pinatawag? I was having my moment there!"

Nahihiyang napakamot sa batok ang lalaki. Namumula-mula pa ang pisngi nitong hindi makatingin sa kaniya.

Ngunit pasulyap-sulyap naman sa kaniyang dibdib.

Ano naman kaya ang pino-problema ng boss niya na ito at tila isang highschool student kung makaakto?

"Boss sir, may sasabihin ka ba or ano?" Batid ni Prima na siya'y naiinip na sa pagpapakipot nito.

Hinila na lamang siya ng lalaki at pinaupo sa visitor's chair. Mabilis itong kumuha ng towel upang ilagay sa balikat niya.

Kumunot naman ang noo ni Prima nang hindi ito mapakaling iniiwasan siya ng tingin.

"Boss sir, may problema ba?" Pagtatanong ni Prima habang patuloy na sinusundan ang pagbabalik-balik ni Kite.

"Uhm... 'y-yong damit mo, basa ng wine," pansin pa nito.

"And so?"

"Puti 'yong damit mo..."

"Oh tapos?"

"Halata ang d-dibdib mo..."

"Ano naman—"

Natigilan siya nang ma-realize ang nais ipahiwatig sa kaniya ni Kite. Kaya pala kanina pa ito patingin-tingin sa kaniyang dibdib ay nakikita ang kaniyang brassier kung saan nakapaloob ang kaniyang malulusog na dibdib! Oh, God, nakakahiya!

Mamula-mula ang kaniyang pisnging nag-iwas dito ng tingin. Habang naroon sa posisyong iyon si Prima ay mayroong nagproseso sa kaniyang utak kaya...

"So what?" There was a hint of flirt on her voice as she says that. Tinanggal niya ang tuwalya mula sa balikat at nilagay iyon sa back rest ng upuan.

Malalaki naman ang mata ni Kite na tiningnan siya sa ginawa.

Inipit pa ni Prima ang buhok sa tainga upang hindi maging sagabal 'yon sa pagpapakita ng kaniyang basang damit.

Damn, I'm so sexy.

Kite's adam's apple bobbed with the sight of her sinful yet heavenly body. Mungkahi niya ay muntikan na itong mapa-sign of the cross dahil sa gulat na nakapaskil sa mukha.

Hindi yata sanay ang lalaking makakita ng ganoong kalaswang tanawin at tila ba napipilan itong napaupo sa office chair.

Dahil sa pag-upo na iyon ay napansin niya ang namumukol sa pagitan ng mga hita nito; napangisi si Prima.

Dinagdadagan ni Prima ang apoy sa pamamagitan ng pagpaypay gamit ang kamay bago tinanggal ang pagkakabutones ng tatlong naunang button ng kaniyang damit.

Dahil sa ginawa niyang 'yon, mas lalo pang lumabas sa mga mata ng lalaki ang kaniyang naghihimutok na dibdib.

Namalibis ang paghinga ni Prima nang maramdaman ang pagkalat ng init sa buo niyang katawan. Kakaiba na ngayon ang pagtitig ni Kite. Tipong titig na titig sa kaniyang mapagnasa't sensuwal na ginagawa.

Ang klase ng titig na may init, may pagnanasa, at may malakas na pagnanais. Malakas na pagnanais na hawakan siya, na halikan siya, at punuin siya.

Tempting the Truth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon