Chapter Nineteen

140 4 4
                                    


🔞

ONE WEEK LEFT. 

Isang linggo na lang ang natitira bago bumalik sa kanyang reyalidadsi Prima. Pero papaano niya sasabihin kay Kite ang bagay na 'yon? Maaaring magalit sa kanya ang lalaki kung ipapaalam niya rito ang lahat-lahat ng kanyang naging plano. 

Kailangang humanap ni Prima ng paraan ara malusutan ang bagay na ito. She needs to be wise and careful in making her decision now. It may not be a life and death situation, but it includes her heart and daughter. 

Nahalata naman tuloy ni Kite na malalim ang kaniyang iniisip dahil bigla na lamang siya nitong pinatakan ng halik sa labi. 

Sinamaan niya ito ng tingin. “Nasasanay ka na, ha,” puna niya rito. 

Natigilan ang lalaki, nawala ang pilyong ngiting nakapaskil sa labi. “I'm sorry, uncomfortable ba ang ginagawa ko?” 

”Silly,” natatawang sambit niya saka pinisil ng bahagya ang ilong nito. “Nagj-joke lang ako, duh, hindi ba obvious? Kung uncomfortable ako, matagal ka ng bumulagta riyan sa sahig.”

“Okay, but still, I'm sorry, I should've asked for your consent first.” 

Umiling si Prima. “You don't have too. Pwede mo akong halikan kahit kailan, kahit saan.”

“Okay,” tinungo ni Kite ang likod niya saka siya niyakap mula roon at humalik sa batok niya. “Let's date.”

“Ang clingy mo pala, Kite.”

“Is it okay? Sorry kung uncomfortable ka, I can stop being clingy you know?”

“Stop saying sorry! Gosh, hanggang ngayon 'di pa rin ako sanay. Paano na lang kung nakapatay ako ng tao, e'di nag-sorry ka pa niyan sa kapamilya ng patay.”

Natawa naman ang lalaki sa ginamit niyang example. “Okay, I'm sorry, hindi na mauulit.”

Prima flipped her hair. “Ayan ka na naman, eh.”

“Okay, e 'di I'm—” Tumingin ito sa kaniya at kitang-kita nito ang paniningkit ng mga maya niya. “I'm ready to take you on a date.”

Bumuntong-hininga siya. “Tinatamad akong umalis,” ungot pa ni Prima. “Nakakapagod mag-serve ng mga roon sa resto. Ang daming orders!”

Kite chuckled. Lumuhod sa may paanan niya. “That's why indoor ang date natin. Bumili ako ng ingredients para lutuin natin mamaya.”

Ngumuso agad si Prima. “Pagod nga ako tapos paglulutuin mo ako?” kunwari pang hinampo niya. 

“I promise you, mawawala ang pagod mo kapag nagluluto ka na, mas iisipin mo kung magiging masarap ba ang pagkain na lulutuin mo, kung ayos lang ba ang pagkakahiwa mo ng mga gulay, at iisipin mo rin kung sakto ba ang pagkaka-luto mo. Lilipad ang isipan mo habang nagluluto, Darling, kasabay no'n, lilipad din ang oras.”

“Hindi mo lang pala ako mas papagurin, balak mo rin pala akong istress-in!”

Mula sa pagkakaupo ay dinahan-dahan nitong minasahe ang kaniyang talampakan. Maya-mayang tinutusok-tusok gamit ang hinlalaki.

“I know, kaya mamaya, after our cooking session, may masahe ka mula sa akin.”

Agad namang nabuhayan ang loob ni Prima sa narinig. “Nasaan na ba kasi 'yang ingredients na 'yan?”

NAKAYAPOS ang mga kamay ni Kite sa kanyang bewang habang tinuturuan siya nitong magluto ng sweet and sour pork. Kanyang hinihiwa ng pahaba ang bell pepper, kakatapos lang nitong ituro sa kanya na dapat ay tinatanggal ang buto ng bell pepper.

Tempting the Truth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon