Chapter Thirty-Two

74 4 3
                                    


Temptine: Ang sabi ko, last chapter na 'to before Epilogue pero napahaba ko yata masyado kaya hinati ko na lang into two chapters. Bukas na po ang ending ng story na ito. Haha. Thank you for the support!

🔞

DALAWANG buwan bago tuluyang na-process ang pag-alis ni Kite. Ngayon nga ay bumabiyahe sila ni Peña patungo sa bahay ng mga magulang ni Kite. Alam niya, hindi naging maganda ang huling pagtatagpo nila roon pero kinailangan muna nilang mag-stay roon dahil ihahatid nila sa airport ang lalaki.

Kabado siya habang papasok sa loob, alam na niya kung ano ang madadatnan sa oras na pumasok siya sa loob. Ang mga mapanghusgang tingin ng ina ni Kite. Pero kung gustuhin niyang makasama ng matagalan si Kite, kailangan niyang indahin ang mga masasamang pananalita ng ina nito sa kaniya.

“Hanz, pasok ka na.” Dinig niyang tawag ng pamilyar na boses ni Elaine, kasunod noon ay lumitaw mula sa hardin ang isang tingin niyang pinaghalong lahi ng Havanese at askal na breed ng aso.

Cute nga ang aso, pangit naman may-ari.

Sandaling nagkatinginan sila ni Elaine bago pa niya inunahan itong makapasok. Malapad ang ngiti sa labi ni Kite na sinalubong siya, ngunit nang makitang hindi ang inaasahang bisita ang bumungad nawala ang mga ngiting iyon at napalitan ng kasungitan.

“Ano'ng ginagawa mo rito, hija? Hindi ba't hiwalay na kayo ng anak ko dahil sa panloloko mo?” Diniinan nito ang pagkakasabi ng “panloloko”.

Hindi naman nagpatinag si Prima. Nginitian niya ito. “Good morning, Tita, pinapunta kami ni Kite dito para ihatid namin siya sa airport mamaya. Nasaan siya?”

“Kami? Sino naman ang dinala mo rito sa pamamahay ko?”

Mula sa likuran ay lumabas si Peña na nakangiti rin kagaya niya. Nagulat ang ginang sa paglabas, hindi makapaniwalang tiningnan siya.

“May anak ka sa labas?” halos pabulong na nitong tanong.

“Anak ko po sa pagkadalaga.” Walang takot, hinarap niya ito na may ngiti pa rin sa labi.

Hindi sinabi ni Kite sa mga magulang nito ang totoo?

Kita niya ang pagkadisgusto sa ekspresyon nito. Gusto niyang mainsulto, gusto niyang mainis at sumbatan ang babae sa pagiging judgemental nito pero pinigilan niya. Para kay Kite. Ayaw niyang mag-cause ng drama bago ito umalis kaya kailangan niyang inidahin ang lahat ng ito.

“Hi, Tita,” umugong sa buong sala ang boses ni Elaine sa pagkapasok nito. Dala ang aso nitong tinawag kanina.

“Elaine, buti naman at nandito ka na. Kumusta naman ang pagiging executive assistant ng CEO ng kumpanya?” Suot-suot ng matanda ang mayabang na ngiti sa labi habang sinasabi iyon at nakatingin sa kaniya. “Ikaw ba, may trabaho ka? I heard you quit being a waitress noong nagbreak kayo.”

Alam naman niyang wala siyang ibubuga sa trabaho nito dahil isa lang siyang simpleng call center agent at waitress. Pero at least nasa kaniya si Kite.

“Anyway, nakuha mo na pala ang bachelor's degree mo noong nag-study ka ng business management, ano?”

Pilit na ngumiti si Elaine, alam nitong ginagamit lang ang mga success sa buhay para may maipagyabang sa kaniya.

“Ikaw ba, Prima, ano'ng natapos mo?”

“Wala, ho, highschool graduate lang.” Hindi nahiyang pinakita ng ginang ang pagkadisgusto sa sinabi niya.

Well, at least nasa kaniya pa rin si Kite!

“Elaine, hija, masarap ang luto mo noong nakaraan, ah. Hindi katulad ng iba diyan, ang anak ko pa ang pinagluluto. Feeling princess, disgrasyada naman?”

Tempting the Truth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon