“Bakit hindi kasama si Mommy Patri?”Nakasakay na sila ngayong tatlo sa tricycle, papuntang fun house na tinuturo ni Peña mayroong bounce house at arcades. Hindi naman sila agad nakasagot ni Prima sa tinanong ng bata.
Hindi naman kasi nila maaaring sabihin na ayaw ng kaniyang ina, magmumukha pang masama si Prima sa harap ng bata.
“May kailangan siyang gawin, eh,” dahilan na lang ng nobya.
Napasimangot si Peña dahil sa narinig. “Hindi niya ba p'wedeng gawin 'yon kasama tayo?”
“Hindi malamang, kaya nga wala siya rito ito.” Pinanlakihan niya ng mata si Prima sa sarkastiko nitong sagot sa anak. Nagkibit-balikat lang ito at inirapan siya.
Napailing si Kite. Mahihirapan mga siyang paglapitin ang mag-ina. Walang patience si Prima at napaka-sensitive naman ni Peña. Ang hinihiling nitong makilala bilang ina ni Peña ay matatagalan pa higit sa inaakala niya.
“Ah, hindi kasi makakaalis si Patricia, kailangan niyang gawin sa loob ng bahay 'yon.”
Tumango-tango na lang si Peña at hindi na nagsalita pa hanggang sa makarating sila ng destinasyon.
Pagkapasok ay bumungad sa kanilang ang busy at punong-puno ng tao na lugar ng Fun House. Totoo nga ang idinadaldal ni Peña sa kanila. Mukhang masaya nga ang pagpunta sa Fun House.
“Sino ang nagdadala sa 'yo rito? Si Patricia ba?” tanong niya.
“Si Tito Benison!” masiglang sabi pa ni Peña. Natahimik silang dalawa. “Kasama namin siya palagi ni Mommy kapag bumibisita rito. Sayang nga dapat kasama natin siya para libre tayo sa lahat ng palaro!”
“Ah.” Iyon na lamang ang tanging lumabas sa kaniyang bibig. Nawalan na rin ang mga ngiti sa kaniyang mukha.
Pareho siguro nilang naiisip ang mga pagkukulang para sa kanilang anak. Oo nga't si Prima ang nakasama ni Peña pero parang magkasinglayo lang silang dalawa sa anak.
Hila-hila sa kanilang magkahugpong na kamay si Peña, sabay nilang pinasok ang Fun House ngunit agad ding hinrang ng guwardiya.
May pagtatakha sa mukhang ng babaeng guwardiya. Naniningkit ang mga mata habang nakamasid sa kanila. Bumaba ang tingin kay Peña bago umuklo at hinarap ang bata.
“Peña, kilala mo ba ang mga taong ito?” tanong pa ng guwardiya sa anak.
Naku po, mukhang napagkamalan pa silang mga kidnapper.
“She's my daughter, Guard, maalala niyong palaging si Patricia ang nagdadala sa kaniya rito,” pagpapaliwanag ni Kite rito.
“Hindi po kayo ang tinatanong ko, Mister.”
“Aba't— nageexplain ng maayos ng boyfriend ko, Guard, ha! Mabait 'yan tapos gaganyanin mo lang?”
Akmang aamba si Prima nang pigilan niya ito sa braso. Ang kulit talaga ng nobya niya, napakalapitin din ng gulo at malas. Pasalamat na lang at hindi niya mapigilan ang pagkagusto niya rito.
“Prima, 'wag na, kausapin na lang natin ng maayos.”
“Hindi! Ginigigil ako eh, pinagkamalan pa tayong kidnapper ng sarili nating anak? My god!”
“Ma'am, kailangan lang namin imake sure na maayos ang kalagayan ng mga batang nagpupunta rito dahil marami na ang mga ganitong modus ngayon,” mahinahon pang paliwanag ng guwardiya.
Prima scoffed. “Wow, ha! Grabe!”
“'Wag na kayo mag-away!” Natigil ang mga argumento nang biglang sumigaw si Peña. Napunta rito ang lahat ng atensiyon. “Kilala ko po sila. Si Tita-Mommy Prima at si Daddy Kite.”

BINABASA MO ANG
Tempting the Truth (COMPLETED)
RomanceShe wants to know the truth, the truth behind her unforgettable yet forgotten past. Little did she know, temptation would come helpful along the way. Matagal nang hinahangad ni Prima Leoson ang mga kasagutan sa kaniyang tanong ukol sa kaniyang nakar...