Chapter Five

135 12 10
                                    


PRIMA was humming the song Apologize while preparing the things she will bring as she moves into Kite's apartment. Natatawa pa rin siya sa pag-alalang wala siyang pagaalinlangang tinanggap ang offer sa kaniya ng lalaki. She was in a good mood until Patricia showed up in her room.

"So, seryoso ka talaga?" usisa kaniya ni Patricia.

"Would I file a vacation leave if I'm not?" Pataray niyang sagot sa walang kwentang tanong nito sa kaniya.

"Pero Prima—"

"Can't you just shut your mouth?! Alam mo, every time na nagsasalita ka, nauuwi sa pag-aaway!"

"Mauuwi talaga sa pag-aaway dahil inaaway mo ako!"

Napasinghap siya, nagulat sa naging pag-sagot nito sa kaniya. Hindi niya inaasahan 'yon. Ang akala niya ay mananatili itong tahimik sa pag-talak niya. And somehow, it made her happy. So her "friend" still knows how to defend herself. Akala niya ay hahayaan lang siya nitong pagsalitaan ito ng kung ano-ano. But it doesn't matter, may mali pa rin itong ginawa.

Hindi na niya ito pinansin pa at pinagpatuloy na lamang ang gawain. Samantalang, si Patricia naman ay hindi siya iniwan at tumulong na rin sa kaniyang ginagawa. Tinutupi nito ang nga damit niya.

Bumalot sa kanila ang katahimikan. Ngunit makaraan ang ilang segundo ay hindi na nakatiis si Patricia at nagbukas ng kanilang mapaguusapan.

"Prima, p'wede bang kapag nandoon ka na... Tawagan mo kami kahit isang beses lang?"

"Kami?"

"Ako at si Peña, baka kasi matulad na naman noon..." Lumikot ang mga mata nito na tila hindi sigurado kung paano ipapaalam sa kaniya ang gusto.

Bumuntong-hininga siya. "Okay," maikli niyang tugon at nagpatuloy sa ginagawa.

Nakinita niya sa peripheral vision ang maliit na ngiti ni Patricia. She rolled her eyes out of annoyance. "Hindi dahil sa 'yo kung bakit ako um-oo. At hindi pa rin tayo magkaibigan. Bilisan mo na diyan, kailangan ko nang umalis," mataray niyang utos dito at umalis ng kuwarto upang mabilisang maligo.

"PUPUNTA ba si Tita-Mommy kay Daddy?" Rinig niyang bulong ni Peña kay Patricia na tinutulungan siyang mag-ayos ng gamit.

Dumukwang naman si Patricia upang buhatin si Peña. "Maghintay ka na lang sa loob, Baby, pag-uwi ni Tita-Mommy mo, may pasulubong siya!" Agad na nagningning ang mga tsokolateng mata ng bata sa sinabi.

"Sige po, Mommy! Bye, Tita-Mommy, hihintayin ko po ang pasalubong niyo!" anito sa maligalig ng tono bago kumaripas ng takbo paloob ng bahay.

"Aalis ka naman..." mahinang usal ni Patricia at tinapunan ng tingin ang mga gamit na dadalhin.

"Oo, aalis ako. Kaya alagaan mo ang anak ko. 'Wag mong pababayaan."

Nagkibit-balikat siya. "Siguraduhin mo lang," mayabang na aniya at tumingin sa daan.

Tumigil sa harap nila ang isang kulay itim na Chevrolet. Nandito na ang ang hinihintay niya. Bumukas ang pintuan niyon at iniluwal no'n si Wendell. He looks astonishing with his denim button-down shirt and black pants paired with brown shoes.

"Hi. Late ba ako?" may concern sa boses nitong tanong.

Prima rolled her eyes. "Oo, late ka. Bilisan mo namang kumilos." Paga-alila niya sa lalaki. Dapat nga lang magpa-alila ito dahil sa kasalanan nito! Pero blessing in disguise naman ang kasalanan na iyon kaya hindi siya masiyadong harsh dito.

"Yes po, Ma'am!" agarang sagot nito at kinuha ang gamit niya upang ilagay sa back compartment ng sasakyan.

Hindi na niya inabala pang tulungan ito sa paglagay at nagtungo na sa passenger seat upang sumakay nang sa pagbukas ng pinto ay isang taong hindi niya inaasahang makitang umupo ro'n.

Tempting the Truth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon