"Dito ka po ba matutulog?" Nagkatinginan si Prima at Kite sa naging tanong sa kaniya ng anak na si Peña. Matapos nilang kumain ng hapunan ay agad nang kumilos ang bata upang punasan ang sarili at mag-sepilyo. Tila ba routine na nito iyon. Routine na hindi man lang niya nakita noong una iyong tinuro rito.
Kahit pa katabi ang anak ay dama ni Kite ang pangungulila. Naalala niya kasi ang mga oras noong ipinagbubuntis ni Prima ang bata, wala siya sa tabi nito, nakaburda sa kaniyang isipan ang kaawa-awang itsura ng babae habang hirap na dinadalang-tao ang anak nila. Walang kaagapay ni-isa.
Napantig ang kaniyang tainga sa lalim ng iniisip kaya naman hindi niya marinig ang pagtawag sa kaniya ni Prima dahilan upang dalhin ng mga paa ng babae ito patungo sa kaniya. Isang mahinang tapik sa braso ang nagpagising kay Kite.
"Lutang ka na naman, Kite." Si Prima.
Napakurap-kurap si Kite at napatingin kay Prima. "Sorry, ano 'yon?"
"Dito ka na lang po matulog, daddy!" masayang paghahalina ni Peña sa kaniya. Hindi niya napigilang mapangiti. Isinabit niya ang gahibla ng buhok nitong tumatabing sa sweet at magandang mukha sa tainga.
"Makakatanggi ba ako? Halina." Iginiya niya si Peña pahiga sa kama. Nakatagilid siya ng higa, gamit ang braso, itinukod niya roon ang mukha ipang ipatong.
Napansin niyang nakatayo pa rin doon si Prima habang may masaya at kuntentong ngiti sa labi.
"Basta kasama si Mommy mo," dugtong pa ni Kite. Nanlaki ang mga mata ng dalawa. Gulat para kay Prima, excitement para kay Peña.
Peña giggled. "Kasama po si Mommy Patri?"
"Hindi!" they both exclaimed. Nagkatinginang muli si Kite at Prima ngunit mas nauna itong nag-iwas ng tingin. Tumikhim siya. "Si Tita-Mommy Prima mo ang tinutukoy ko."
"Ahh," napatango-tango na lang na usal ng bata. Bigla ay ngumiti ito. "Tara, Tita-Mommy, samahan no kami matulog ni Daddy!"
Prima hesitated pero mukhang mas nanaig dito ang kagustuhang makasama sila dahil agad itong sumampa ng kama.
Nasa gitna nila si Peña, samantalang nasa magkabilang dulo naman sila ni Prima. Nakayapos ang kanilang mga kamay sa bata at nakapaikot naman ang mga kamay nito sa mga braso nila. Their position warmed his heart. Nakaramdam siya ng kakaivang ligaya, para bang nagliliwanag ang loob ng kaniyang puso na ilang sandali lang ay maaari nang sumabog. They look like a happy family, which for the record, is what they will be.
"Kanta ka, Daddy," ungot ni Peña.
"Peña, no—" Binigyan niya ng makahulugang tingin si Prima nang subukin nitong pigilan ang bata.
"Let me do this," mahina niyang bulong dito. Napatango na lang ang babae sa kaniya at hindi na nag-salita.
Nakangiti si Peña na humarap sa kaniya habang hinahaplos niya ang malambot na buhok nito. Maya-maya lang ay umugong ang mahinang pagkanta ni Kite ng lullaby ang anak.
Maya-maya lang ay papikit-pikit na si Peña. Bumaling ito kay Prima. "Kanta ka," mahinang hiling pa nito. Halata na sa tono ng boses na kaunti na lamang ay maabot na nito ang pagtulog.
Napamata sa kaniya si Prima. Hindi alam ang dapat na gagawin. Nakangiting tumango siya at walang nagawa ito kundi sabayan siya sa pagkanta. Mahina siyang natawa. Hindi naghahalo ang mga boses nila, masasabi niyang hindi nito forte ang pagkanta pero hindi rin naman masakit pakinggan sa tainga ang boses nito, maybe a little bit but okay.
Hindi na nagtagal ay rinig nila ang mahina nitong paghilik. She looks so peaceful sleeping, hindi talaga maipagkakaila ang pagkakahawig ni Peña sa ina nitong si Prima. Parang dugo lang iniambag niya at hindi DNA.
BINABASA MO ANG
Tempting the Truth (COMPLETED)
RomanceShe wants to know the truth, the truth behind her unforgettable yet forgotten past. Little did she know, temptation would come helpful along the way. Matagal nang hinahangad ni Prima Leoson ang mga kasagutan sa kaniyang tanong ukol sa kaniyang nakar...