🔞
“Ano ba ang papel ni Benison kay Peña?” tanong ni Kite kay Prima habang nakamasid silang dalawa kay Peña at Benison kasama si Patricia na naglalaro.
“Tito niya, and well, boyfriend ni Patricia.”
“Ah,” ang tangi na lamang niyang nasabi. “Gaano na pala niya katagal na kilala si Peña.”
Binasa ni Prima ang labi gamit ang dila bagp sumagot. “Nasabi sa akin ni Patricia na malapit na raw mag-two years.”
Naagaw iyon ng atensyon ni Kite kaya naman ay nakangunot ang noo niyang hinarap ang nobya. Hinahanap sa mukha nito ang pagtawa upang isipin na lamang niyang nagbibiro ito. Pero nang magkaroon ng realisasyon na walang bakas ng pagkabiro ang itsura nito ay agad siyang hindi makapaniwala na napailing at matawa.
Pambihira, mas nauna pa nitong nakilala ang anak niya kaysa sa kaniya. He wonders if Peña sees Benison as a father figure. Kung mawala na naman kaya siya ulit sa tabi nito, mangyayari kaya sa kaniya ang nangyari kay Prima? Instead na “Daddy” ay magiging “Tito-Dad” na lamang siya?
Napatingin siya kay Prima nang maramdaman ang mahina nitong pagtapik sa kaniya.
“Nagseselos ka ba kay Benison?” tanong pa nito.
“Huh?” nagmaang-maangan siya. “Hindi, ah! Hindi ako nagseselos sa kaniya.”
“Oh, Kite, wala akong ibang pinakilala kay Peña na ama niya hangga't hindi pa kita nakikita. Hindi mo kailangang mangambang mapalitan bilang dad niya dahil ikaw lang 'yon at wala ng iba.”
Agad namang nagbago ang nararamdaman ni Kite nang marinig ang sinabi ni Prima. Tila ba isang magic ang mga salita nito at napakadaling mapakalma siya. Grabe talaga ang epekto ng babaeng ito sa kaniya, kaunti na lang at maiisip na niyang mahal na talaga niya ito.
“Nandito na nga ako, hindi na ako aalis kaya wala ng iba pang makikilala si Peña na ama kun'di ako.”
Humilig si Prima sa kaniyang balikat. “Nandito ka na nga, kaya 'wag ka nang aalis, huh? Promise 'yan dapat.”
Ngumiti siya. Ang hindi lang napansin ni Kite, sa kaloob-looban niya, madadama roon ang kasikipan sa kaniyang leeg. Sikip 'yong tipo na mahihirapang makahanap ng hangin at makahinga. Bakit nga ba niya nararamdaman iyon kung kuntento na siya kasama ang kaniyang mag-ina? May hindi ba siya nasasabi sa sarili niya?
“Daddy, sabi ni Mommy Patri ayain daw kita pumasyal. Kaya lang sabi ko sa kaniya baka wala kang pera kasi 'yon naman lagi sinasabi ni Tita-Mommy kapag inaaya ko siya, eh.”
Napapahiyang nag-iwas ng tingin sa kaniya si Prima nang tingnan niya ito. Ah, he gets it. Prima was ashamed of having a daughter at such a young age. Sino nga ba naman ang hindi? Disgrasiyada ang tingin ng mga tao sa batang-ina na kagaya ni Prima, kahit hindi alam ng mga tao kung ano nga ba ang pinagdaanan nila. Kung minsan nga ay pinupuri pa ang mga magulang na tinutulungan ang sariling anak na palakihin ang bata sa sinapupunan kung karamihan sa kanila ang naging dahilan kung bakit nagbubulakbol ang mga anak.
Personally, he believed that teenage moms are victims.
Biktima ang mga ito ng kahirapan at toxic community na kinalakihan. Walang tamang gabay ng mga magulang o kung sino mang matanda na maaaring magturo sa mga ito ng bagay na hindi nararapat gawin. Pero malalaki masyado ang expectations ng mga matatanda sa mga kabataan kaya nalilimutan na rin nilang mga bata lamang ang tinitingnan nila.
“Gusto mo hang sumama sa amin?” tanong niya kay Prima kapagkuwan.
Bumadha ang gulat sa mukha nito sa kaniyang tanong. “Mamasyal yalaga kayo? Hindi ka ba pagod galing sa trabaho? 'Di ba kagagaling mo lang do'n?” sunod-sunod ang mga tanong nito an tinawanan na lang niya.
BINABASA MO ANG
Tempting the Truth (COMPLETED)
RomanceShe wants to know the truth, the truth behind her unforgettable yet forgotten past. Little did she know, temptation would come helpful along the way. Matagal nang hinahangad ni Prima Leoson ang mga kasagutan sa kaniyang tanong ukol sa kaniyang nakar...