"Pride. Minsan sabon, minsan hindi mo malunok. Pero ano nga bang meron sa pride at nagmamatigas tayo para hindi lang ito malunok? Iniisip kasi natin, kapag nilunok mo ang pride, masisira na ang iyong dignidad at mawawala na rin ang respeto sa iyo ng mga tao.
"Mali. Ang pride ay isang bagay na hindi madaling bitawan dahil dito nanggagaling ang kakaibang satisfaction na nararamdaman ng bawat tao at kapag nilunok mo na ito, boom, the fun ends. Kaya ikaw ba na nagbabasa nito, kaya mo bang lunokin ang pride mo?"
Ibinaba ni Prima ang binabasa nang marinig ang boses ni Patricia.
"Ano kamo? Iiwan mo ang trabaho't anak mo para hanapin ang lalaking hindi mo naman kilala!?"
"So?" Mataray na tanong niya sa kaniyang kaibigan na si Patricia.
"Anong so!? Alam mo bang napaka-reckless ng ginawa mo? Hindi lang reckless pang-tanga pa! Sinong matinong tao ang iiwan ang lahat para lang makita ang taong hindi naman niya sure kung totoo!?" bulyaw pa nito sa kaniya.
She sighed in annoyance. She hated the fact that Patricia's right. Sino nga ba naman ang nasa tamang pag-iisip ang maghahanap ng taong nakita lang sa panaginip?
"I'm not asking for your consent, Patricia." She flipped her hair as she walked towards her closet. "Wala ka ring karapatan na magreklamo sa mga gagawin ko. Sinabihan lang kita kasi kailangan mong bantayan si Peña habang wala ako."
Puno ng inis niyang tinatapon ang bawat damit na mahahawakan sa closet. Simula kasi nang managinip siya dalawang araw na ang nakakaraan, nagpa-plano na siyang hanapin ang kung sino mang lalaking iyon. Reckless pero win-win situation pa din naman dahil si Peña ay nangungulila para sa ama at siya naman ay nangungulila para sa kasagutan.
Magkaka-ama na si Peña, malalaman na din niya ang totoo. Kung kaniyang mahanap ang lalaking iyon.
Mabuti na lang ay natatandaan niya pa rin ang itsura ng lalaki sa panaginip at ini-sketch ang mukha nito sa sketchpad niya. Naalala niya, habang dinodrawing niya ito, pamilyar ang hitsura ng lalaki kung saan. Hindi niya lang matandaan kung saan ito nakita. Kaya nagbabakasakali siyang iyon nga talaga ang ama ng kaniyang anak.
"Please, Prima. Pinapahamak mo lang sarili mo, narito naman ako. Kaibigan mo-"
Marahas niyang hinarap ito at dinuro, "I abandoned our friendship years ago! At hindi ka nandito dahil kaibigan mo ako, nandito ka dahil binayaran ka ng mga magulang ko! Kaya shut your mouth up or hindi ko itutuloy ang payment sa 'yo!"
Nagbaba ng tingin si Patricia at natahimik. Samantalang siya ay panay ang paghugot ng kaniyang hininga. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Akala niya si Patricia ang kaibigan na kaniyang masasanigan sa oras na siya ang may kailangan, 'yon pala ito ang may kailangan kaya siya sinandigan. Matagal na siya nitong kaibigan- kinaibigan, simula noong mga highschool palang sila ay magkaibigan na sila, 'yon ang alam niya. But behind her back, her parents were paying Patricia a huge amount of money just to hang out with her.
In short, she's just a job.
She was hurt. Of course she was. Si Patricia lang ang tinuring niyang kaibigan at akala niya ay ganoon din ito. But her parents proved her wrong, wala talagang taong hindi gagamitin ang kabaitan niya noon.
"Mommy, Tita-Mommy, nag-aaway ba kayo?" Napatingin sila sa nagtanong, it's the nine-year-old Peña peeking from the door frame.
"Walang nag-aaway, Peña." Nag-iwas ng tingin niyang ani dito habang tinutupi ang mga damit na ilalagay sa duffel bag. "Bakit pala hindi ka natutulog? Ang usapan ay matulog ka ng hapon, 'di ba?" Pag-iiba pa niya ng usapan.
BINABASA MO ANG
Tempting the Truth (COMPLETED)
RomanceShe wants to know the truth, the truth behind her unforgettable yet forgotten past. Little did she know, temptation would come helpful along the way. Matagal nang hinahangad ni Prima Leoson ang mga kasagutan sa kaniyang tanong ukol sa kaniyang nakar...