MABIGAT ang pakiramdam habang naglalakad-lakad paikot ng mall si Prima. Matapos ang naging komprontasyon sa loob ng fitting room ay pinuntahan sila ng mga staff at in-escort palabas ng store. Nakakaabala raw sila sa iba pang costumer.Napaingos si Prima. Hindi man lang nagpasalamat sa kanila dahil kung hindi sa ginawa nila, walang mga taong magkukumpulan sa store na bulok na ‘yon.
Ngayon ay hindi na niya alam kung saan nagpunta ang dalawa pero iniwan na lamang siya ng mga ito na para lamang isang lumang laruan at nagpatuloy na sa mga buhay.
She didn’t mean it. What she said earlier. Siguro nga noong una hindi niya talaga ginusto ang magkaanak sa murang edad pero noong makita niya kung gaano ito kabibo, kasaya, kabait, saka na niya naramdaman na… ganoon pala, may bagay pala na hindi niya inaasahang gugustuhin niya kahit pa ang bagay na iyon ang nakasira sa kanya.
Pero dahil sa bugso ng damdamin, lumabas na lamang mula sa kanyang bibig ang mga salitang 'yon. Hindi niya inisip— or rather, hindi siya nag-iisip.
Kaya ngayon, ang araw na dapat ay puno ng saya at ligaya, napalitan ng lungkot at pait. And who knows? Baka hindi na niya muli pang makausap o makita ang dalawang taong nasa tabi niya noong walang-wala siya.
Pero sa paglalakad-lakad niya, naisip niya na kasalanan din naman ni Patrica kung bakit nangyari ang nangyari, she provoked her, sinumbatan pa siya nito sa mga bagay na aware naman siyang may kasalanan siya. Alam niya, but Patricia doesn't have to rub it on her face.
At paano naman siya magiging ina kay Peña kung palaging nakaharang si Patricia sa bawat effort na gagawin niya?
Bumuga ng hangin si Prima upang pakalmahin ang sarili. Akma namang lalabas na siya ng mall nang mahuli ng kanyang paningin ang pamilyar na bulto ng lalaki. Agad siyang napatigil sa paglalakad saka napakunot ang noo.
Inihakbang niya ang mga sa isang restaurant sa loob ng mall, sinusundan ito.
Ang akala niya ay may kikitaing investor si Kite ngunit bakit narito ito at may kasamang babae? Hindi maiwasang makaramdam ng inis at pangamba si Prima sa natanaw. Naiinis siya dahil nagawang mag-sinungaling sa kanya ni Kite at nangangamba siya sa kung narito nga ito upang makipagkita sa babae, maaaring naghahanap ito ng kasintahan.
At kung may kasintahan nga ito, paano na siya? Baka iwan siya nito at palayasin na sa apartment. Pati ba naman si Kite ay iiwan siya? Pero hindi naman niya kailanman pinakitaan ito ng kahit anumang masamang katangian. Maliban kay Wendell ay sa lalaki siya hindi gaanong ka-harsh.
Pero hindi mawala ang pangangamba ni Prima. Kaya naman ginawa niya ang bagay na nararapat na gawin. Sumunod siya sa loob ng restaurant.
Pagkapasok ay ipinaikot na niya ang paningin sa loob. Nang hindi mahanap doon si Kite at kung sino mang babae nitong kasama, agad siyang nagtungo sa kinapwestuhan ng maitre d’.
“Hi, ma’am, good afternoon, do you have any reservations?”
Inayos niya ang kanyang damit bago nagtanong, “No but kasama ako ni Kite… Kite Solidum?”
“Ahm, wait lang ma’am, I’ll just check our list.” Bumaba ang tingin nito sa leather folder at agad na nangunot ang noo bago muling tumingin sa kanya. “Can you give me a minute, ma’am? May kailangan lang kasi akong konsultahin.”
Hindi na nagtanong na tumango si Prima. Mukhang alam na niya kung bakit naging ganoon ang reaksyon ng Maitre D’. Nakapag-check in na ang dalawa, malamang ay alam na ng mga workers na hindi na nage-expect ng iba pang bisita si Kite.
Ilang sandali pa ang kanyang hinintay bago bumalik sa kanya ang Maitre D’.
“Kindly write your name here, ma’am,” utos pa nito. Taas-mukha naman siyang tumango bago sinulat ang buo niyang pangalan. “Thank you, ma’am, sandali lang po talaga,” sabi pa nito bago muling umalis at iniwan siya sa pwesto.
![](https://img.wattpad.com/cover/241091289-288-k77245.jpg)
BINABASA MO ANG
Tempting the Truth (COMPLETED)
RomanceShe wants to know the truth, the truth behind her unforgettable yet forgotten past. Little did she know, temptation would come helpful along the way. Matagal nang hinahangad ni Prima Leoson ang mga kasagutan sa kaniyang tanong ukol sa kaniyang nakar...