Chapter Thirty

82 4 6
                                    

ANOTHER week had passed. Hindi alam ni Prima kung paano mapabago ang sarili sa lalong madaling panahon. Nami-miss na niya si Kite, ang mga luto nito, paggising sa kaniya. Siyempre, kakalimutan niya naman ba ang morning wood nito?

See? She's still the same ill-mannered horny bitch. Hindi na siguro magbabago 'yon.   

“Maggoodbye ka na kay Tita-Mommy mo.” Si Patricia. Mahina siyang natawa, kahit nga ang pagtawag sa kaniya ni Peña ay hindi nagbago.

“Saan daw pupunta?” Puno nang pagtatakha niyang tanong.

“Kay Benison, nangako kasi siya na aalis daw sila ng bata.”

Nangunot lalo ang noo niya. “At hindi ako kinunsolta?”

“Kailangan ba?”

“Of course, anak ko si Peña! Kailangan kong malaman kung saan siya pupunta o aalis.”

Bumuntong-hininga si Patricia. “Nakahanda na ang lahat, Prima. Alangan namang bigyan ko ng false hope si Peña?”

Tinaasan niya ito ng kilay. “E 'di sasama ako!”

Mabilis na tumayo si Prima at nag-ayos ng sarili. Sa loob ng limang minuto, nasa labas na siya ng gate ng bahay, hawak-kamay kay Peña at hinihintay na ang van na pinadala ni Benison para sunduin sila.

Lumapit si Patricia sa likod niya. “Sure ka na okay ka lang? Medyo hindi kasi maayos ang itsura mo kanina.”

“P’wede ba, okay na okay ako! Hayaan mo ako, gusto ko lang makasama ang anak ko.” Binilisan niya ang paglalakad hanggang sa makarating na sa kinaroroonan, hindi pinapansin si Patricia.

Sa Robinson sa Roxas sila pumunta, nag-ungot kasi si Pena na gusto nito ng librong babasahin. Hindi man niya palaging nakikita, alam niyang mahilig magbasa ang anak. Sa tuwing tinatanong niya kasi ito kung ano ang gustong pasalubong, libro at Jollibee ang palaging hinihiling. Pero hindi naman niya mabili ng sabay ang mga iyon. Kaya minsan bumibili siya ng libro pero kadalasan ay Jollibee dahil iyon ang mas mura at afford niya.

Pero ngayong nasa tabi na nito si Benison, ang ama, malamang ay maii-spoil ng lalaki ang anak dahil sa pagkangulila. Ang pagkakangulila na hindi naman mangyayari kung sinabi lang sa kaniya ng lalaki na ito ang misteryoso na lalaki na nakatalik niya noong gabing iyon.

Ang hindi lang niya maisip ay kung bakit si Kite ang palaging nakikita niya sa panaginip at hindi si Benison? Kung wala mang namagitan sa kanila ni Kite noong gabing iyon, bakit naroon ito sa panaginip niya? Hindi kaya nagsisinungaling si Benison?

Natawa siya sa iniisip. Nagdedelusyon lang siya. May DNA test na at lahat ay hindi niya pa rin matanggap ang katotohanan. Siguro dahil si Kite lang naman ang nag-iisang taong nakakaintindi sa kaniya pero sinira niya lang iyon dahil sa irrational na takot na naramdaman.

“Sumama ka pala, 'di ko alam.” Nasa tabi niya si Benison habang naglalakad sila patungo sa grocery store ng mall.

“Lumayo ka hindi tayo close. Hindi rin kita kilala.” Naka-krus ang mga braso sa harap ng dibdib niyang sabi.

Pero hindi naman tumigil si Benison at sinundan pa rin siya kahit binilisan na niya ang paglalakad.

“Prima, sandali lang. Ano bang problema?”

Hindi makapaniwalang tiningnan niya ito. “You threatened me! Sinabi mo sa akin na kapag hindi ko pa sinabi kay Kite, dadalhin mo sa korte ang lahat. You know damn well na mananalo ka dahil wala akong pera at koneksyon!”

“Daddy, bili na tayo!” Mahigpit itong hinihila ni Peña at tahimik lang si Prima sa gilid.

“Bukas na lang tayo mag-usap, Benison. Ibigay mo na lang ang araw na ito sa anak mo.”

Tempting the Truth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon