HINDI siya makapaniwala. Totoo bang narito si Prima? Nakapasok na ito't lahat-lahat ay nakaawang pa rin sa gulat ang labi ni Kite.Kilala niya si Prima. Kapag galit ito, galit talaga ito. Kahit pa nagugutom ang kasintahan, iindahin nito ang pagkasakit ng tiyan huwag lang makita ang taong kinaiinasan nito. Pero ano'ng ginagawa nito ngayon dito? Hindi na ba ito galit?
Pinaupo ng mga magulang niya si Prima sa couch ng sala.
“Girlfriend ka pala ng anak ko, hindi ka man lang dinala?” Ang kaniyang ina iyon. Mahilig talaga itong kulitin ang mga bisita. Kahit personal na mga tanong ay itatanong nito para kang may mapag-usapan.
“Ah, opo.” May ngiti sa labi si Prima bago siya sinulyapan. “Kite p'wede ba tayo mag-usap?”
Malakas ang kabog ng dibdib niya sa narinig. Sabi na, galit ito. Oras na ba para ihanda ang kabaong niya? Patay! Mukhang sobrang galit yata ito at sinundan pa talaga siya para lang sumbatan.
Napalunok si Kite bago tumayo at sinundan si Prima. “Nasaan ang kuwart mo?” tanong nito.
Ayaw niya sanang sabihin kung nasaan iyon para hindi muna sila makapag-usap pero hindi rin naman niya gustong makadagdag pa sa galit nito kaya wala siyang nagawa kun'di ang ituro iyon.
Pagkasara na pagkasara ni Prima nf pintuan ay isang hampas sa braso ang inabot niya. Napaigik tuloy siya nang maramdaman na naghulma ang palad nito sa morenong balat.
“Nakakainis ka!” kantiyaw pa nito. Ito na, kailangan na niyang ihanda ang sarili sa magiging sermon at hinain nito! “Sabi mo kapag bibisita ka sa parents mo, dapat kasama ako. Tapos ngayon, ikaw lang nag-isa ang pumunta rito!”
Napaamang si Kite nang sunod-sunod pa siya nitong hampasin sa braso. Hindi naman malakas iyon, halata niyang pigil ang pwersa sa bawat hampas. Peke siguro ang pagkainis ni Prima. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito at nagtatakhang tiningnan ang ekspresyon.
“Hindi ka galit sa akin?” si Kite.
Kumunot ang noo nito. “Sa hindi pagsabi na pupunta ka rito? Hindi. Nagtatampo, oo.”
“No, I mean, kahapon lang, galit ka sa akin dahil sa ginawa kong pangingialam sa desisyon mo sa buhay. Sorry talaga, Prima. Hindi ko inisip ang kalagayan mo noong tinanggap ko 'yon.”
Nag-angat siya ng tingin dito dahil sa pagpalo nito sa kaniyang dibdib. May ngiti na naman ito sa labi. Hindi siya sigurado kung kakabahan o magiginhawa dahil sa ngiti na yon.
“Ang galing mo kasi, Kite, eh. You know exactly what buttons should be pushed. Ang rupok ko tuloy!” Humagikgik pa si Prima.
Si Kita naman ay parang tanga lang na hindi maintindihan ang nobya. But either way, masaya siya dahil hindi na ito galit.
Ang kaninang humahampas na kamay sa kaniya ay tila naging isang ahas na kung nakalingkis sa kaniyang leeg. Bumaba iyon ng dahan-dahan sa kaniyang dibdib. Kagat ang pang-ibabang labi, nilapit ni Prima ang mukha sa kaniya para sa isang mainit at mapanakop na halik.
Hindi naman agad makagalaw si Kite sa sobrang pagkabigla. Kanina kasi ay parang galit ito, tapos sa isang iglap lang ay okay naman ito at ngayon… in heat na ito. Kakaiba, hindi niya inaasahang napakadali pala para sa kaniyang pagbago,
baguhin ang reaksyon ng nobya sa saglit lang na panahon.Nakaramdam si Kite ng kakaibang kasiyahan sa puso. Para kasing ramdam na ramdam niya ang importansya niya sa buhay ni Prima kung nagagawa niyang baguhin ang nararamdaman nito sa mabilis na sandali lang.
“Na-miss kita. Akala ko hindi mo 'ko susundin noong sinabi kong umuwi ka. Tapos tumalikod lang ako saglit, pagkaharap ko, wala ka na.” Matulis ang nguso nitong sabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/241091289-288-k77245.jpg)
BINABASA MO ANG
Tempting the Truth (COMPLETED)
RomanceShe wants to know the truth, the truth behind her unforgettable yet forgotten past. Little did she know, temptation would come helpful along the way. Matagal nang hinahangad ni Prima Leoson ang mga kasagutan sa kaniyang tanong ukol sa kaniyang nakar...