Chapter 9

4.4K 70 0
                                    

CHAPTER 9 - AWKWARD

Haylie's POV

13th Week ko na! Naeexcite na ako :O Grabe na talaga yung bump sa tyan ko (T_T) Sabi ni Tita sa akin ang unusual daw yung laki ng tyan ko, baka daw puro tubig o puro bata. Either way, sana healthy siya.

Since Saturday ngayon, at last week na namin ni Kalvin dito sa kanila bago kami bumalik sa Manila, nandidito kami sa salas. Sila Kalvin at Ayah nag-lalaro ng PS3, si Tito naman, as usual, nagbabasa ng news paper, si Tita naman nag-ni-knit. Samantalang ako? Nagbabasa ng libro. Wala, hobby ko na magbasa ng libro, past-time kumbaga. 

"Guys, I have a plan." biglang sabi ni Tita at bigla kaming napatigil sa mga ginagawa namin. 

"Since , summer naman, let's go to the beach!!" excited na sabi niya. Bigla namang napa- 'Yes!' si Ayah. 

"Kailan, mommy!" sabi ni Ayah habang hawak hawak ng mahigpit ang controler ng PS3.

"Tomorrow til Monday," sabi ni Tita. "Okay lang ba?" 

Um-oo kaming dalawa ni Kalvin, pati narin si Ayah. Tinignan namin si Tito kung papayag.

"Titignan ko kapag di ako busy." sagot ni Tito. Lumapit si Tita sa kaniya at niyakap siya na parang may kailangan. Napapangiti tuloy si Tito. 

"Hon, pa-book ka ng off sa monday okay?" Sabi ni Tita at sabay halik sa pisngi. Hay, minsan talaga nakakakilig sila mag-lambingan. Hehehe~

Chineck agad ni Tito ang phone niya para mag-tanong sa kaniyang secretary kung meron ba siyang gagawin sa Monday. Vice-President kasi si Tito sa pinagta-trabahuan niya under Finance department. 

"Okay, nagpa-book na ako ng off." sabi ni Tito ng ibinaba niya ang phone niya. "Nagpaalam na ako kay Pareng Alfred." Yung Pareng Alfred ni Tito, ang may ari ng company na pinapasukan niya. Magkaibigan silang dalawa ever since. So malaki ang utang na loob nito dun. 

Natapos kaming mananghalian ng napagdesisyunan nilang mag-shopping ng dadalhin para bukas. Nagpa-reserve na si Tita sa isang beach resort sa Potipot Island sa Zambales. At dahil daw girls vs. boys, naghiwalay kami ni Kalvin pati narin si Tito. 

"Ate Haylie! Ate Haylie!" tawag sa akin ni Ayah habang natingin ako ng Swimwear cover-ups, ayoko ng magsuot ng revealing. Buntis kaya ako :P 

"Po?" sabi ko sakniya at tinignan ko siya habang naghahanap siya ng kaniyang two-piece swimsuit. 

"Ano mas bagay, ate? Itong high-waisted bikini na polka dots? o yung neon coloured?" parehas niyang itinaas ang dalawang swim wear na pinagpipilian niya. Grabe, parehas talaga kami ng taste. Maka-neon din ako actually. 

"Mag-polka ka nalang." sabi ko at nginitian ko siya. Inilagay niya na yung polka-dots sa kaniyang basket at namili pa ulit. 

Naka-pili na ako kanina pa, actually. Yung binili ko yung parang tube dress na pang-swimwear pero hanggan above the knee ang haba. Ayoko ipitin ang anak ko sa swimsuit. HAHA. 

Nagkita-kita kaming tatlo nila Tita at Ayah sa cashier. Gusto pa nga nilang bayaran yung akin, kaso umayaw ako. Sobra-sobra na nila akong ini-spoil. Baka masanay ako, hehehe. 

"Cute naman ng binili mo, ate!" sabi sa akin ni Ayah ng makita niya yung swimwear ko at cover-up. 

"Mas cute kaya iyo! Kung hindi lang ako buntis baka yun narin ang piliin ko." sabi ko at tumawa narin. Si Tita naman naki-tawa nalang. 

The Unbreakable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon