Chapter 29

3.8K 60 0
                                    

Chapter 29: Early Labour



It's my late 38th week! And it's december already! Nag-start kaming mag-decorate nila Mama at Kalvin nung last Friday, I know it's late kasi pare-parehong busy, kaya late na naka-pamili ng decorations. At napag-pasyahan namin ni Mama na i-admit ako sa ospital next week, sa ika-39th week, para sure daw. And I'm pretty sure hindi pa naman ako manganganak habang hinihintay ang takdang araw na iyon diba?


Hindi pa ako pwede manganak kasi kakaumpisa palang ni Kalvin ng finals niya, and for pete's sake, from Monday to Saturday ang mga finals niya!


"Nak," tawag sakin ni Mama mula sa kwarto namin. "Ready na ba yung mga gamit ng mga bata?" 


Yes, sinabihan ako ni Mama na mag-impake na ng mga gamit in case lang daw na mag-'Early Labour' ako. Well, nung naisip ko yun akala ko it was pretty lame kasi super excited (hindi naman sa hindi talaga ako excited) but then naisip ko ulit na, oo nga naman, hindi ko naman hawak kung kailan ako manganganak diba?


"Yes, ma!" sabi ko habang naka-upo ako sa lamesa, gumagawa ng checklist ng kung ano pa ang dadalhin na hindi ko pa naaayos, o kaya mga gagawin after.


Lumabas si Mama after niyang mag-stay sa kwarto namin ni Kalvin mga after 5 minutes, di ko alam kung anong ginawa niya, for sure nag-linis na naman.

"Excited na ako!" biglang niyang sabi na ikinagulat ko.


"Ako din ma!" sabi ko at abot langit ang ngiti ko.


Ng nanood na si Mama ng kaniyang palabas, tumayo ako para kumuha ng tubig. Bigla ako nauhaw, lol.



Pinagpatuloy ko ang pag-susulat ko ng may baked cookies at tubig sa harapan ko. Nag-bake si Mama ng chocolate chips and minsan nalang naman ako mag-cookies :P


"Anak, ano ba naman yan.." biglang reklamo ni Mama ng mapunta siya sa kusina. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.


"21 ka na ba talaga?" sabi ni Mama at kumuha ng basahan, "Nabuhos ang tubig sa lapag, di mo manlang pinunasan or sinabi sa akin.." 


Tubig? Di naman nabuhos ang tubig ko ah?

"Ma," sabi ko na parang natatakot at kinakabahan. Napatingin si Mama sa akin ng naka-kunot ang noo.


"I think- AAAAH!" hawak hawak ko ang tyan ko, please mga anak, huwag muna.

MANGANGANAK NA ATA AKO!


Imbis na tulungan na ako ni Mama, kinuha niya ang phone niya para mag-dial. Utang na loob ma, pumunta muna tayo sa ospital pls.


"Harold!..OO! PUMUNTA KA NA SA OSPITAL NOW NA..OO DALIAN MO!.." Binaba niya ang telepono niya at akmang mag-da-dial ulit.


"Ma..please.." sabi ko , "wag mong tatawagan...si Kalvin...nag-eexam...iyon.."

The Unbreakable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon