CHAPTER 37: Admit
HAYLIES POV
This is the worst fever of my entire life.
Dalawang beses na akong may 39 degrees na lagnat. Oo nga't nag-aaral ako ng Nursing pero kung sa sarili ko lang naman ang aalagaan ko, kaya ko. Eh kung tatlo silang inaalagaan ko? Wala na.
"Love, ito na corn soup mo." sabi ni Kalvin sa akin.
Kaka-uwi lang namin galing ospital dahil sinabihan ako nila Mama na magpa-admit doon dahil nga sa lagnat. Ngayon, naka-isolate ako sa kwarto lang namin ni Kalvin, I am watching our kids play from far dahil baka mahawaan ko sila. I miss my twin mochi's! We decided munang ibigay kila Mama ang kambal, at sa susunod na araw, kila Tita naman ang bakasyon nung dalawa.
"Thank you," sabi ko at umupo siya sa tabi ng kama, "How's the twins?"
"Don't worry about them, inuupdate ako palagi ni Mama mo," sabi ni Kalvin
Alam kong pabigat na ako sa nangyayari, pero he still supports me. Kahit ba napagalitan ako dahil gusto ko pinaglulutuan ko siya. Pinagalitan niya ako dahil hindi pa raw ako magaling pero kung ano ano na pinaggawa ko.
"When are we gonna see them?" tanong ko sakaniya, namimiss ko na kasi! Hobby ko ng tignan sila sa madaling araw sa kanilang kwarto minsann, kaya nung nandun sila kila Mama, nanibago ako't nag-alala ng walang dahilan kung bakit nwawala ang kambal knowing na nandun nga isla kila Mama.
"Kapag gumaling ka na, Love." sabi nito, "I promise."
Nagpatuloy lang ako sa niluto ni Kalvin sa akin. Alam kong nag-aaral ako ng Nursing at dapat alam ko na ang know-how sa mga lagnat chever. Pero, I know na iba parin ang may nag-aalaga sa tabi ko.
Last week nagbakasyon kami sa aming mga parents kasama ng kambal. Naninibago sila dahil nagsitabaan nga silang dalawa. Minsan, nangangalay sila kakabuhat sa kambal, pero hindi naman nila mapigilan ang sarili nilang buhatin yun. Lalo na si Leah, magrereklamo sa akin kapag mabigat na ang bata at nangangalay siya, pero maya maya makikita kong binibuhat parin niya.
Sila Tita and Tito naman, ganon din. Kaso si Tito, nasa Manila. He needs to do his work there, kaya minsan naman ay nagagawi si Tita sa condo namin ni Kalvin.
But now that I'm sick, pinupuntahan niya ang kambal kila Mama.
"Love, is there anything you need?" tanong niya sakin at hinalikan ang noo ko. Medyo nahihilo pa ako, but I still manage to finish his corn soup.
Umiling ako at nagpasalamat kay Kalvin.
Nagising ako ng wala na si Kalvin sa condo. Ako nalang magisa, wala pa yung kambal. I still feel dizziness, at sinabayan pa ng sakit ng ulo. I don't even know how to react with that anymore. Possible ba talagang makaramdam ng dalawang feeling sabay sabay?
Bawat hakbang ko papunta sa kwarto ng kambal ay feeling ko madadapa ako any time. Feeling ko nangangalay ang mga joints ko sa katawan, I don't know why. Ilang hakbang palang ako ay feeling ko pagod na pagod na ako. Tagatak na pawis ko kahit naman naka-aircon ang salas.
Bago ko pamandin buksan ang pintuan ng kwarto ng kambal, ay nandilim na agad ang paningin ko.
Nagising ako sa hindi ko alam na kwarto, all I see is my boyfriend, Mama, Tita, at si Leah. Where am I?
"Thank goodness, gising ka na!" sabi ni Kalvin with the relieve on his eyes and he kisses my forehead.
"I-ilang oras na akong tulog?" tanong ko sa kanila. Hindi ko manlang alam na nandito na pala ako sa ospital. What happened?
"Mga 4 or 5 hours." sagot ni Mama sa akin.
Bakit sila nandito? Ang kambal?
"Don't worry about us or even your children," sabi ni Tita, "na kila Papa mo."
Tumungo nalang ako. Gustong gusto ko makita ang kambal. Feeling ko hindi na nila ako kilala. Or napa-paranoid lang ako? Gosh, what's happening to me?
"What happened to me?" tanong ko ng matapos akong tignan ng doctor. Kinausap ni Kalvin ang doctor sa labas pagkatapos.
"Nakita ka ni Kalvin sa condo niyo, nakahandusay nalang at walang malay." kwento ni Tita sa akin, "Ako ang nauna niyang tinawagan, buti nalang ay nasa building ako ng condo niyo kaya dali-dali ka naming pinunta dito."
"Pasensya na po kayo sakin," panimula ko, "palagi nalang akong naoospital."
Nilapitan ako ni Mama at hinalikan sa noo. Hindi siguro niya inaasahan na ganon ang masasabi ko. Tama naman diba? I am always here. Pinagaalala ko sila palagi.
"You don't need to apologize, anak." sagot sa akin ni Tita, at tumungo rin si Mama. I always thanks the heavens because of them. Kahit papaano, I feel comforted. Iba talaga kapag galing sa nanay nanggagaling ang comfort. Ramdam na ramdam, tagos hanggang buto.
I once more rest, dahil yun ang bilin ng doktor sabi ni Kalvin matapos nilang mag-usap sa labas. Gusto kong malaman kung kailan ako gagaling.
Nagising nalang ako ng may feeling na nasusuka ako. I cried for help using my hand and my terrifying face. Agad nasagap ni Kalvin iyon.
But too late, I did still vomit.
"Are you okay?" tanong ni Kalvin sakin ng malinisan niya ang suka ko. He already called the management to change my blanket and my hospital gowns. Ugh, why do I even need to wear this gown.
Tumungo lang ako kay Kalvin at binigyan niya ako ng tubig. Isa o dalawang lagok lang ang ginawa ko. Parang I don't want water. Feeling ko, isang lagok ko lang sobrang busog ko na. What's happening to me.
Umuwi muna sila Mama at Tita para kumuha ng damit at ibalita kila Papa at Tito ang nangyari. I am not sure kung kailan sila babalik. Kaya si Kalvin lang ang kasama ko ngayon.
"The blood results are back," rinig kong sabi ng doktor. Naalimpungatan ako at idinilat ang mata ko.
"Ano po ang nangyayari sa kanya?" tanong ni Kalvin na may halong kaba at pag-aalala. As much as I don't want to worry him, nagagawa ko parin ito. Bakit ang hina mo, Hayley.
"She is diagnosed with dengue." sabi nito at ikinagulat ko, "she have dengue and we need to admit her for further tests."
Nalugmo ako sa narinig ko. Hindi ko manlang namalayan na umiiyak na pala ako. Niyakap lang ako ni Kalvin ng makita niya akong ganon. Umalis ang doctor matapos magpasalamat ni Kalvin.
I can't believe what's happening to me.
Dengue?!
WHY?!
BINABASA MO ANG
The Unbreakable Love
Teen FictionMeet Haylie. Third Year College - Majoring in Nursing Student. Boyfriend niya si Kalvin, Fourth Year College - Majoring in Architecture. May pagsubok silang hindi inaasahang dadating; ano kaya ang dadating sa kanila? Makakayanan kaya nila?