Chapter 24: Reunited with his friends
Nawala na ang sakit ko, sa tulong ng pagaalaga ni Kalvin ng 2 araw. Oo, umabsent siya ng 2 araw para alagaan ako. Nagi-guilty nga ako. Pero buti nalang kaklase niya si Kris at JC sa lahat ng subjects kaya di nahirapan kumuha ng notes.
Nagbalak sila ngayon na magkopyahan at mag-aral. Sabado ngayon at hanggang 11am lang pasok nila. So after school, deretso sila dito.
Kakatapos-tapos ko lang din mag-luto. Sinabihan ako ni Kalvin kahit kanin lang daw dahil si Kris ang magluluto.
Narinig kong may nag-doorbell kaya agad ko silang pinagbuksan. Nakita kong may bitbit bitbit si Kris na grocery bags.
"Kailangan mo ng tulong?" tanong ko ng pumasok silang apat.
"No, I can manage." sagot niya sakin "thank you"
Dumeretso sa sala sila JC at Bryan, as usual, PS4 ulit. While si Kalvin ay hinalikan ako sa pisngi bago pumasok sa kwarto para magbihis.
"Kamusta ka na pala, Haylie?" tanong sa akin ni JC ng naghihintay sila ni Bryan mag-load ang laro.
"Okay lang naman ako, medyo bored pero keri lang." sabi ko't ngumiti. "Kayo? Musta? Di ko na kayo nakikita ah?"
"Busy kasi, shortened year kasi sa Architectural Department." sagot ni Brian
"Sabi nga daw sakin ni Kalvin." at umupo ako sa high chair. Hinarap ko si Kris na sa kasalukuyang naghihiwa na ng gulay.
"Kris, okay ka lang?" tanong ko. Gusto ko kasing tumulong. Nakakahiya namang siya lang ang gumagawa.
"Ako? Oo! Ano ka ba." at tumawa siya.
"Kailangan mo ba ng tulong?" tanong ko at nilapitan ko siya.
"Hindi ba ayaw mo sa gisa?" tanong niya at umiling ako.
"Sa cheese na ako ngayon nagke-crave." at tumungo siya.
"So kailangan mo nga ng tulong?"
Napakamot ng ulo si Kris na parang may sasabihin pero walang nalabas sa bibig niya.
"Baka kasi magalit si Kalvin." at ngumiti na nahihiya. Under na naman siya ni Kalvin, tsktsk.
Tumayo ako at kumuha ng isa pang kutsilyo. Aba, gusto ko rin naman may gawin ano!
"Don't worry, ako bahala sayo." sabi ko at nagstart akong tulungan siyang mag-hiwa ng gulay.
"Pre, peram not- Haylie?" rinig kong sabi ni Kalvin at kaming dalawa ni Kris ay tumingin sakaniya.
"Op, ops!" bigla kong sabi at napatigil siya. "Gawin mo ang gagwin mo, tinutulungan ko lang si Kris."
"Per-"
"Nope, nope." sabi ko at tanging kamot nalang sa ulo ang nakuha ko galing sakaniya. Pwagahahaha~ under pala siya sakin. Hihihihi~
Dahil pinagtulungan namin ni Kris ang ulam, natapos kami agad at naghain na. Ala-una na ng tanghali kaya nagpasya na kaming kumain.
"Kailan na midterms niyo?" tanong ko sakanila.
"Next 2 weeks?" sagot ni Bryan matapos niyang malunok ang kinakain niya.
"Tange, hindi no!" sabi ni JC.
"2 weeks kaya, adik." sagot ni Kris.
Kahit kailan talaga 'tong tatlong ito. Bakit nga ba kaibigan ni Kalvin 'tong mga 'to?
"Di pa kasi napaguusapan. Kaso may usap-usapan na 2 weeks daw since shortened year." sagot ni Kalvin.
"So maiba tayo." biglang sabat ni JC "twins anak niyo?"
Tumungo kami pareho ni Kalvin at ngumiti.
"Naks!" ngiting sabi ni Bryan. "Alam niyo na gender?"
"Boy and girl, mga pre!!!" sabi ni Kalvin at nagsi-apiran sila. Mga nabaliw.
"Nice one!!!!" sigaw ni Kris at nagsitawanan.
"Nung finals last school year halos di mapakali si Kalvin," pangunahing sabi ni JC at kumunot ang noo ko. Anong sinasabi niya?
"'I don't want to lose her, lalo na't may anak kami. Pero natatakot ako sa mangyayari.'" sabi ni JC as he imitates Kalvin voice.
Nakatanggap tuloy siya ng palo sa braso. While kaming lahat ay nagtatawanan. Sinabi ba niya talaga iyon? Kailan? Yun ba yung naghihintay ako ng assurance ni Kalvin?
"Totoo naman, pre eh!" sagot ni Brian at nag-apir sila ni Kris.
"Natatakot siya noon pa man." sabi ni Kris. Tinitigan ko si Kalvin na ngayon ay pulang-pula na sa hiya.
Inakbayan ko siya at ngumiti ako. Suuuus, natakot pala ang baby. Hihihi~
"Pero bilib din ako kay Kalvin no," sabi ni JC, "takot na pero di tinakbuhan ang resoonsibilidad."
Tumayo bigla silang tatlo at kumanta. Mga adik talaga!
"Baliw kayo, magsikain na nga kayo!" sabi ko ng natatawa. Nakakainis! Baka sa pagtawa ko, malabas ang mga anak ko ng wala sa oras!
Nagsikain ulit kaming lima at natapos. It took us an hour to finish the meal, and it took them 30minutes tk wash the plates. Of course, kami ni Kris ay hindi naghugas. Hay sarap buhay!
"May girlfriend ka na ba, Kris?" tanong ko sakaniya out of nowhere.
"Ako?" sabi niya sabay turo pa sa sarili "wala, pero may crush." of course.
"Bakit di mo ligawan?"
"Natotorpe ako eh." at ngumiti siyang nahihiya sakin.
"Wala namang mawawala kung hindi mo susubukan. Malay mo may gusto rin sayo, edi jackpot!" sabi ko at tinapik ang braso niya.
Naglaro silang tatlo habang si Kalvin ay kumokopya ng notes. Marunong namang mag-self study si Kalvin. Kapag hindi niya talaga ma-gets, dun lang siya magtatanong sa mga teachers niya.
"Pre, hirap intindihin ng sulat mo." sabi ni Kalvin kay JC.
"Kay Kris ka manghiram." sagot ni JC hababg nakatitig sa TV at naglalaro.
"Hindi ka naman mabiro!" sabi ni Kalvin at nagpatuloy sa pagsusulat.
Habang ako, nagbabasa ng nursing books. Nirereview ko sarili ko, baka kasi wala na akong maalala next school year! Nakakahiya ano!
"Mahirap ba nursing?" biglang tanong sa akin ni Bryan ng mabuklat niya ang libro ko.
"Hmm," sabi ko't nagisip. "Medyo? Depende kasi sa tao kung naenjoy o hindi."
Tumungo nalang siya. May balak ba siyang mag-nursing? Hmmm..
Alas cinco ng hapon ng mapasyahan ng tatlo na umuwi na. Nagpasalamat kaming dalawa ni Kalvin at sinarado ang pintuan.
Sabay kami ni Kalvin nag-hilamos at nag-ayos para matulog. Alam kong may gagawin na naman si Kalvin bukas tungkol sa acads niya.
"Goodnight love." sabi niya sakin at niyakap ako from behind. Natatakot kasi siya na baka madaganan niya ang mga anak namin kaya from behind nalang niya ako niyayakap which is so annoying :( Gusto ko sumandal sa dibdib niya.
"I love you too." sabi ko at dumampi sa labi ko ang labi niya.
BINABASA MO ANG
The Unbreakable Love
Teen FictionMeet Haylie. Third Year College - Majoring in Nursing Student. Boyfriend niya si Kalvin, Fourth Year College - Majoring in Architecture. May pagsubok silang hindi inaasahang dadating; ano kaya ang dadating sa kanila? Makakayanan kaya nila?