Chapter 23

3.5K 59 0
                                    

CHAPTER 23: Alalahanin at Intindihin

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung bakit parang mabigat ang nararamdaman ko, pero wag naman sana akong magkasakit.

Kahapon, bumisita si Leah dito at nagkwentuhan kami sa anomang bagay. Pero since then, parang mabigat na pakiramdam ko.

As usual, wala na naman si Kalvin. It's Thursday and itong araw na 'to yung hanggang 6pm ang class niya. And it's only 8am for pete's sake.

Bumangon ako at naligo. I think, kapag naligo ako, medyo magiging okay ako. Well, sana.

Dahil I have a lot of time, naligo ako for almost 45minutes. Sarap. Wala akong iniintindi na pasok sa school, o alis. Kumbaga parang relaxation ko.

Matapos kong magbihis ay narinig kong tumunog ang phone ko at agad na kinuha ito. Si Kalvin nag-text.

From: Love
How are you? Kumain ka na ba?

To: Love
Kakagising ko lang and I'm going to eat. Ikaw?

Love calling...

Wow, tumatawag?

"Wala kang klase?" agad kong tanong sakaniya

"Kakatapos lang, and 30minutes from now, klase ulit."

"Kakagising ko lang at nandito na ako sa kusina para magluto at kumain."

"Di mo na kailangan mag-luto," sabi niya "nasa oven ang ulam."

Nilagay ko sa speakerphone si Kalvin at Binuksan ko nga ang oven at tumambad sa akin ang kaniyang Baked Mac na maraming cheese sa ibabaw.

Cheese naman ang pinagkdidiskitahan ko lately. And I'm thanking God we have lots of cheese.

"I saw it already." sabi ko ng mailabas ko sa oven ang Baked Mac niya. "Thank you, love!"

"Anything for you."
Nakanang tokwa. Ang aga aga kinikilig ako.

Matapos naming mag-usap ni Kalvin, kumain na ako. And in fairness, ang sarap ng luto niya. Pero kailan niya iyon niluto? Naka-dalawang plato ako ng Baked Mac, sasandok pa sana ako ng pangatlo pero bigla akong nanghina.

What is wrong with me?
Imbis na kumain, ay niligpit ko nalang ang pinagkainan ko at nagbasa ng libro, us usual. Pero hindi rin ako nakatagal, bigla rin akong nahilo at sumakit ang ulo ko.

Bago ako bumalik sa kwarto ay naglagay ako ng maligamgam na tubig sa plangana na maliit. In case lang na may sakit ako, at least maaagapan. Sana.

Nilagay ko ang bimpong basa ng maligamgam na tubig sa noo ko. And I am trying to rest. Hindi ako uminom ng gamot baka kasi makasama sa mga bata.

Nagising ako at agad kong nilagay ang kamay ko sa leeg ko para maramdaman kung mainit ako. At oo, mainit ako. Hay nako naman! Ayoko magkasakit :(

Minulat ko ang mata ko at nakita ko si Kalvin na naka-ubob ang ulo sa tabi ng kama. Bakit siya nandito?

"Love?" tawag ko at agad siyang bumangon at chineck ang noo't leeg ko.

"Ano nararamdaman mo?"

"Bakit ka nandito? May klase ka pa di-"

"You're sick for pete's sake." masungit niyang sabi, "don't worry about me please."

"Wala akong sakit, Kalvin." sabi ko, "bumalik ka na."

Sinabunutan niya ang sarili out of frustration. "My goodness, why are you so stubborn?"

"Because I am ok-"

"No you are not!" sigaw niya, "chineck ko ang temperature mo and it's freaking 39°!"

Okay, ayoko ng makipagtalo. Ayoko mag-away kami ng dahil sa ganito.

"Okay, love. Okay." sabi ko, giving up. "I am sorry. Ayoko lang naman na intindihin mo ako at alalahanin. May mga klase ka pa."

Nagbuntong hininga siya bago niya ako nilapitan at hinalikan sa noo.
"I'm sorry for yelling," sabi niya "And of course, I always choose you over my studies."

"Simula nung maging tayo, intindihin na kita. Ngayong dala-dala mo ang mga anak natin, mas kailangan kong intindihin ka at alagaan ka."

Dinalhan ako ni Kalvin ng bagong lutong arroz caldo with egg ng matapos niya akong sermonan na hindi ako nagsabi sa kaniya na masama na pala nararamdaman ko.

"Paano mo nalamang may sakit ako?" tanong ko matapos kong nguyain at lunukin ang sinubo niya saking arroz calod.

"You were not answering my calls. Hindi mo ugali ang magpatagal ng tawag, kahit galit ka sa akin, papatayin mo lang ang phone. Hindi ka nagiignore ng phone calls unless may auto-reply akong natanggap galing sayo." sabi niya.

"Hindi mo sinasagot tawag ko for almost 20 times. At wala akong natatanggao na auto-reply so umuwi ako agad at nadatnan nga kitang ganiyan."

Nagpatuloy ako sa pagkain habang kinukwentuhan ako ni Kalvin sa buhay graduating niya. Naiinggit nga ako e. Pero di bale, next year, ako na.

"Kinakamusta ka nga pala nila Carla and Mrs. Medina.",

Awe, naalala pa nila ako.
"Oh really? Namimiss ko na sila."

"Sana daw makasama ka sa batch party niyo."

"Kaya nga eh," sabi ko, "Titignan ko nalang siguro."

"Ilang weeks ka na nga lang?" tanong niya at inilagay niya ang kanyang braso sa ilalim ng ulo ko at napasandal ako sa dibdib niya.

"Almost 13 weeks?" sabi ko

"Agad?" at naramdaman ko ang pagkagulat niya.

"Yeah, time flies so fast, love." at naramdaman kong hinalikan niya ang noo ko.

Papapasukin ko sana siya sa klase niya kaso ang tigas ng ulo. Gusto niya kasama ako. Namimiss ko rin naman siya eh!

"Love," tawag niya

"Hmm?"

"Kung kila Mama ka muna kaya?" agad akong tumingin sa kaniya at naka kunot ang noo.

"What do you mean?"

"Wala ako dito palagi, may sakit ka, wala ako. Hindi kita naaalagaan at nababantayan palagi. Nadadatnan kita tulog na, aalis ako tulog ka."

Naiiyak ako.
Wala naman sa akin yun eh. Mas gusto ko nga dito. Ayoko rin kasi na malayo kay Kalvin at syempre, ayokong maistorbo sila Mama at Papa.

"Ayoko, love." sabi ko at niyakap niya ako ng mahigpit.

"But, Hayl-"

"Ayoko mawalay sayo, kasi." sabi ko at niyakao ko siya. "Wala naman sakin yung intindihin mo yung pag-aaral mo, basta nakikita kita."

"I love you, Haylie." bigla niyang sabi at inangat ko ang ulo ko para halikan siya.

Wala na talaga akong mahihiling pa. Well..meron. Ang safe delivery ng twins namin. Kahit yun nalang. Gusto ko si Kalvin na ang huli ko. Ayoko ng maghiwalay pa kami.

The Unbreakable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon