CHAPTER 1 - GOOD NEWS OR BAD NEWS
Haylie's POV
Finally!! FINAL EXAM IS DONE.
Pero sobrang nakakapagod yung ginawang final exam, kunyari nasa isang emergency room ako tapos sobrang dami daw ang nagdatingan for first aid or for check-ups. Kapag tama daw ang nagawa ko within the time limit, for sure pasa naman daw ako. Ganon ang ginawa nilang pag-eexam ngayong 2nd semester ng Third year! Grabe, ano kaya sa next school year?
Before anything else, my name is Haylie Natalia Perez, I'm third year College Student, BS Nursing! I know, college years with Nursing are really tough, pero kinakaya, isang taon nalang eh!
"Haylie, let's go to my dorm later? You know, party?" tanong ni Corinne, bestfriend ko.
"Sorry, girl. Pinangakuan ko na si Kalvin na mag-ddinner kami, kapalit nung pagkaka-busy ko sa pag-aaral nung finals natin. Tska, magiging busy narin siya next week dahil finals naman nila." paliwanag ko habang nagbibihis ng pang-alis, nandito kasi kami ngayon sa lab, kakatapos lang hands-on na project.
"Grabe na yan, ini-spoil mo na yang boyfriend mo ah!" sabay tawa ni Corinne.
"Hindi naman, sadyang nabawi lang ako sakaniya." sabi ko naman at inilagay ko na yung gamit ko sa loob ng backpack ko.
"Ah, okay. Maybe, next time?" sabi ni Corinne, at-tumungo nalang ako
Maya-maya, may kumatok, muntik na akong matapilok ng bigla akong hilahin ni Corinne.
"Haylie, siya nga pala, si Sean, boyfriend ko." pakilala sakin ni Corinne, matapos niya akong hilahin palabas ng room.
"Uh, hello. Nice meeting you. Haylie here." sabi ko at nakipag-shake hands. Nako naman, paniguradong malalaman na naman ni Kalvin 'to. Mabilis kasi iyon mag-selos, pero for sure naman hindi niya pagseselosan si Sean dahil boyfriend siya ni Corinne? Hay sana.
"So pano, mauuna muna kami, Haylie ah? Ingat ka." sabi sakin ni Corinne at nagpaalam narin ako.
Ite-text ko na sana si Kalvin, kaso biglang may tumawag. Si Carla, President ng block namin.
"Carla, why?"
"Nasan ka?"
"ite-text ko palang sana si Kalvs na sunduin ako, para umuwi. Bakit?"
"Emergency meeting daw sa room ni Mrs. Medina."
"Ah ganon ba? Sige, on the way na ako." at binaba ko yung tawag.
Isa rin kasi ako sa officers ng block namin, sa katunayan Vice President ako. Kaya lang mas kinakailangan ang President. Nag-she-share lang sakin si Carla ng gagawin kapag sobrang busy na siya, so kumbaga, taga-salo lang ako ng trabaho niya.
Wala pang 10 minutes, nakarating ako sa room ni Mrs. Medina, adviser namin sa block namin. At nakita ko, ako nalang ang kulang. Akala ko buong officers ang pinatawag, kami lang pala ni Carla.
"Sorry po, late. Galing pa po ako sa kabilang building." paliwanag ko at umupo ako.
"So as I was saying, nag-pa-plano yung Nursing department na magsagawa ng last batch party para sa next school year. Para daw kahit papaano ma-release yung stress and pressures ng acads, lalo na't ga-Graduate na kayo next school year." paliwanag niya
BINABASA MO ANG
The Unbreakable Love
Novela JuvenilMeet Haylie. Third Year College - Majoring in Nursing Student. Boyfriend niya si Kalvin, Fourth Year College - Majoring in Architecture. May pagsubok silang hindi inaasahang dadating; ano kaya ang dadating sa kanila? Makakayanan kaya nila?