CHAPTER 2 - WHAT IFs
Haylie's POV
"..you're 6 weeks pregnant."
Hindi parin maalis sa isip ko ang narinig ko mula sa OB kahapon. Paano ko sasabihin sa magulang ko 'to? Paano kung layasan ako ni Kalvin? Paano kung hindi niya matanggap ang anak namin?
Since Summer na namin, ako lang mag-isa sa condo. May finals pa si Kalvin kaya wala siya dito. We never talked after what we heard yesterday. And it gives me anxiety. Baka yung what ifs ko, magkatotoo.
I decided to cook. Kalvin told me na half day lang sila tuwing finals noon. Nagluto ako ng paborito naming putahe ni Kalvin, ang sisig. Bihira lang kami makakain nito since super busy kami sa school lalo na't alam naming mas bubusy pa kami next school year, dahil last year na namin sa college.
3PM na ako natapos magluto dahil nag-grocery pa ako sa kalapit na grocery shop sa kabilang street, ngayon, pagod na ako.
Ang plano sanang hintaying umuwi si Kalvin ay nauwi sa pagtulog. Hindi ko alam kung bakit, pero sobra talaga akong inaantok.
After 4 hours of sleeping, I woke up and it's 7pm already. Napansin kong wala pa sa tabi ko si Kalvin which my 'what ifs' are running through my mind. Di pa nga namin nasasabi sa parents namin, ganito na agad ang set up namin? Yung totoo? Paninindigan ba ako o hindi?
Tumayo ako para tumingin sa sala at nakita ko ang gamit ni Kalvin sa sofa. Tinawag ko ang pangalan niya pero walang nasagot. Nagpunta ako sa kusina, sa banyo, sa laundry area, pero wala siya. So sa ganitong paraan niya ako tatakasan? Crap.
Umupo ako sa sofa, trying to calm my mind pero hindi ko mapigilang umiyak. Paano na ako? Paano na ang anak namin ni Kalvin? Magiging single mom ba ako? UGH.
Can't he see na hindi lang siya ang nagme-mental breakdown sa balita na buntis ako. MAS AKO ANG NAGME-MENTAL BREAKDOWN NGAYON. Lalo na't wala pa akong pinanghahawakan na assurance from Kalvin. Yung lang naman ang gusto ko malaman, kung paninidigan ako ni Kalvin.
I decided to sleep it away kahit na pinipilit kong pigilan parin ang luha ko. I'm so messed up. Kawawa naman yung anak ko, nadadamay sa ka-dramahan ng ina niya. Pero sana naman wag maapektuhan si baby.
Kalvin's POV
After ng finals namin, umuwi ako ng condo para ilapag lang ang gamit ko. Dahil may usapan kami ng barkada kong sasabihin ko saknila ang balita kahapon na narinig namin ni Haylie.
Nagpunta kami sa isang restau at naisipang doon magusap.
"Nako, pare." sabi ni JC, tropa ko. "Baka magalit parents niya sayo."
"Wag naman siguro. Hindi ko sinasadya okay?" pagpapaliwanag ko at uminom.
"What the heck pare? Hindi mo sinasadya?" sabat naman ni Bryan, "That's a complete crap, Kalvs."
"Don't let her hear what you've said earlier, Santiago" sabat ni Kris, "Baka iwanan ka nun."
"Crap, I don't want to lose her. Lalo na't may anak kami. Pero natatakot ako sa mga mangyayari, pare."
"Edi sana naisip mo yan before ka gumawa ng aksyon." sabi ni Bryan.
"Kung ako sayo, Kalvs, comfort her, assure her that you'll be by her side." sabi ni JC. "Yan lang naman ang gustong marinig ng babae, pre."
"I will." sabi ko.
Mga ilang sandali, napagisipan naming umuwi na dahil may finals pa kami bukas- which is last na. Ayokong bumagsak o mag-retake ulit, gusto ko next year maka-graduate na agad.
BINABASA MO ANG
The Unbreakable Love
Fiksi RemajaMeet Haylie. Third Year College - Majoring in Nursing Student. Boyfriend niya si Kalvin, Fourth Year College - Majoring in Architecture. May pagsubok silang hindi inaasahang dadating; ano kaya ang dadating sa kanila? Makakayanan kaya nila?