Chapter 3

8.2K 124 0
                                    

CHAPTER 3 - JEALOUSY

Kalvin's POV

"I love you too, Dylan."

Wow, so she's cheating?
Binakuran ko na siya, may bunga na nga eh, tapos may 'i love you too dylan?' What the crap was that?

Dahil sa inis ko, sa salas ako natulog. Pero imbis na matulog, nag-movie marathon ako, 'How I Met Your Mother' ang napagdesisyunan kong panoorin, gusto ko madisctract ang utak ko sa narinig ko, tska gusto ko makalimutan kahit papaano yung nangyari, ayoko i-stress sarili ko.

Nagising ako ng nakalimutan kong patayin ang TV, kaya naka-on parin siya obviously. I turned it off at nakita ko ang phone ko na nagsasabing it's only 6:30am. A body clock, I guess? I hate body clocks. Tapos na ako sa paggising ng 6:30am araw-araw dahil summer na namin, kung kelan hindi na pwedeng magamit, saka naman nagana ang body clock. Habit ko naring maligo after magising, tska baka kasi may gagawin din ako mamaya para less hassle if ever maalala ko ng late ang gagawin ko, para bihis nalang and ready to go.

After kong maligo, I am cooking breakfast right now - tuna omelette, fried rice and mixed steamed vegetables, for Haylie's health. Speaking of Haylie, gising na ba yun?

Pagbukas ko ng pinto namin, naka-upo na siya sa kama, parang spaced out, pero parang makagising lang niya rin. Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya, pero nagulat ako sa ginawa niya...

"YUCK KALVIN ANG BAHO MO!"
What the hell?

"Love naman.." paglalambing ko, hindi ko maaaring sumabog nalang dito basta-basta, kelangan lawakan ko yung pasensya ko sakaninya. "Kakaligo ko lang, love." paliwanag ko

"STAY AWAY FROM ME!" utos ni Haylie, sobrang nandidiri talaga yung itsura niya sakin. Kung tutuusin, mas matagal pa akong maligo kay Haylie, tapos ako pa ngayon ang mabaho?

Calm down, Kalvin, buntis siya, intindihin mo.

"Okay, love. I will stay away from you, I already cooked breakfast, kumain ka kung gusto mo, okay?" sabi ko at tumayo, gusto ko sana siyang halikan sa pisngi, kaso baka ma-reject ako, ayokong nare-reject ako.

Lumabas ako ng kwarto at dumeretso sa laundry area. Tuwing Saturday kami naglalaba ng damit namin ni Haylie, dahil wala sa mood sa Haylie, ako na ang naglaba.

Nang sinarado ko na yung pintuan ng washing machine, tumunog yung phone ko.
"Pre, free ka ba mamaya?" tanong ni Bryan

May gagawin ba ako mamaya? Wala naman diba?

"Sige pare, pwede ako. San ba tayo? At ano ang gagawin?" sabi ko

"Umuwi kasi yung pinsan ni JC, remember Kyla? Gusto lang niya mag-reunion lang, kaso diba we've been friends since first year college?"

"Oh really? Nakauwi na si Kyla? Sige, punta ako. Anong oras ba?"

"Siguro pare mga 3pm? Hindi naman tayo magoovernight, nasabi ko naman kay Kyla yung sitwasyon niyo ni Haylie."

"Sus pare, salamat ah. Kita-kits."
And he hunged up.

10:30am palang naman, kaya siguro kakain na ako ng niluto ko, medyo gutom narin ako.

Nadatnan kong nanonood ng TV si Haylie, mukhang kakatapos lang niyang maligo dahil sa pagpupunas niya ng buhok niyang basa. Dumeretso ako sa kusina na halos kaharap lang ng sala kaya nakikita ko si Haylie habang nanonood siya, since ayaw niya yung amoy ko, dito nalang ako sa dining kakain.

The Unbreakable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon