CHAPTER 7 - SUPERHUMAN
Nakauwi na si Haylie sa bahay nila at dahil narin sa kinabukasan ay uuwi narin sila para bisitahin ang mga magulang ni Kalvin.
Nag-aayos sila ngayon ng mga gamit nila para bukas ay mag-aayos nalang sila ng kanilang sarili. Nakatanggap si Kalvin ng tawag mula sa department nila, pero dahil sa nangyari kay Haylie, hindi siya sumipot dala narin ng kaba.
"Nak, pakibigay naman ang mga ito sa mga magulang mo." sabi ng mama ni Haylie at inabaot ang mga prutas na bagong pitas.
"Nako, maraming salamat po." sabi ni Kalvin ng tinanggap ang mga prutas. "Paborito po ito nila Mama at Papa."
"Ganon ba?" sabi ng mama ni Haylie "Sige, mauuna na kami sa kwarto ah. Matulog na kayo."
"Sige po, goodnight po." sabi ni Kalvin pati narin ni Haylie.
Mga mag-aalas nuwebe na ng gabi ng matapos silang dalawa mag-impake. Parehas na silang nasa kama para matulog.
xx
Nagising sila ng bandang alas-sais ng umaga para mag-almusal na inihanda ng magulang ni Haylie bago sila pumasok sa kani-kanilang trabaho.
"Kumain kayo ng marami, ha?" sabi ng Papa ni Haylie habang pinapa-lamig niya ang kaning sobrang init pa na galing pa sa lutuan.
"Opo, kayo rin Pa" sagot ni Haylie at nagsimula narin siyang kumain.
So far wala pa namang 'weird' cravings si Haylie, maliban nalang sa Salt n' Vinegar na chips with Bagoong niya. Minsan puro pizza o kaya naman kutsinta ang gusto niya.
Maya-maya, nag-paalam narin sila Haylie at Kalvin sa magulang nito. HIndi nila maihahatid ang anak dahil papasok rin sila sa kanilang trabaho,
"Mag-iingat kayo ah?" sabi ng Mama ni Haylie at niyakap ang anak.
"Opo, Ma, magtetext nalang akos ainyo." sagot ni Haylie matapis silang magyakapan.
Nagyakapan rin ang Papa ni Haylie at si Kalvin at sinabing mag-iingat at wag pababayaan ang kaniyang anak.
Nauna ng umalis ang mag-asawa bago ang magkasintahan.
"Wala ka nabang naiwan?" sabi ni Kalvin ng pumasok siya sa sasakyan at ikinabit ang seat belt.
"Wala na, love." sabi ni Haylie matapos ikabit ang kaniyang seat belt.
"Okay, let's go."
Ilang oras din ang byahe kaya nakatulog si Haylie. Dahil sanay naman si Kalvin mag-drive ng malayo, kinakaya niya ang mag-drive ng walang kapalitan, sinanay kasi siya ng Daddy niya na mag-drive simula nung naging 18 siya at nakuha niya ang kaning Driver's License. Tuwing summer kasi nagbabakasyon ang pamilya ni Kalvin kung san-san, minsan sa Baguio, Zambales o minsan naman sa Tagaytay kaya nasanay na ito.
Kalvin's POV
Ilang oras pa, nasa huling gas station na kami bago makarating sa condo unit namin sa Manila. Ginising ko si Haylie kung sakaling na-iihi siya or nagugtom.
"Love, may gusto ka ba?" tanong ko after kong magpa-gas at pinark ang kotse sa parking lot. Kinusot niya ang mata niya bago siya magsalita.
"Nagugutom ako." sabi niya ng palambing. Sus, ano kaya ang problema nito at naglalambing?
"What do you want?" tanong ko sakniya habang nakangiti. Sana ganito nalang siya palagi, yung sobrang lambing.
"Burger and Fries please." Anak ng tokneneng. Akala ko naman kung ano na. Or ako lang yung may inaasahan sa sasabihin niya?
"Where to? May Mcdo, may Jollibee, may KFC?" tanong ko habang tinuturo ko ang mga fast-food chains na nagkalat sa gas station na 'to.
"KFC nalang," sabi niya at nag-ayos ng upo niya. "Hindi ka ba nagugutom?"
"Nope," sabi ko habang papunta kaming KFC, mag-drive thru nalang ako siguro. "Sanayan lang naman yan, o baka siguro sa condo nalang ako kakain."
Nakapag-order na kami ng gusto ni Haylie. Minsan sinusubuan niya ako ng fries, minsan pinapakagat niya ako ng burger niya. Pero since minsan yun, hindi na mauulit iyon. Alam na alam ko namang kulang pa sakniya yun. Hehe~
Matapos siyang kumain, nag-patugtog siya ng R&B. May pagka-geek din kasi siya sa music, minsan nga pinagpapalit niya ako sa mga kanta niya. Nung una, turn-off ko sakniya yun pero nung ipinaliwanag niya sa akin, naintindihan ko naman.
Pinatugtog niya ang theme song namin nung time na naging kami. Ginamit ko 'tong kantang 'to nung time na nililigawan ko palang siya.
♫Weak I have been crying and crying for weeks
How'd I survive when I can barely speak
Barely eat on my knees♫First day ng First year College ko nung araw na balisang-balisa ako kasi namatay yung lola ko na nagpalaki sa amin ng kapatid kong bunso. Nasa ibang bansa kasi nun yung parents namin kasi daw para sa tuition ko sa university pati narin sa pag-aaral ng kapatid ko. Since Grade 3 ako, inalagaan na kami ng kapatid kong Kinder pa lang non.
Sabi ko nga hindi nalang ako mag-aaral para hindi nalang umalis mga parents ko at para narin may mag-alaga sa amin ni Ayah- bunso kong kapatid. Tska, sinisisi ko yung sarili ko nun kung bakit namatay ang lola ko. Feeling ko kasi hindi ko siya naalagaan ng maayos, alam niyo na kapag highschool- bulakbol, walang magawa sa buhay kumbaga chill chill lang.
♫But that's the moment you came to me
I don't know what your love has done to me
Think I'm invincible I see
Through the me I used to be♫
Dumating si Haylie at tinulungan niya akong tanggapin na wala na si lola at ilang ulit niyang sinabi sa akin na hindi ko kasalanan kung bakit namatay ang lola ko. Nandito siya palagi sa tabi ko when I was still coping up. She didn't give up making me smile, or laugh. Hindi siya sumuko- kahit sobrang tigas na ng ulo ko at minsan gusto ko na siyang iwasan kasi lahat ng sinasabi niya totoo, ang pride ko kasi minsan sobrang taas, pero nung nakalaunan, natuto akong ibaba iyon ng dahil sakniya.
♫You changed my whole life
Don't know what you're doing
To me with your love
I'm feeling all superhuman you did that to me
Superhuman heart beats in me
Nothing can stop me here with you♫Tapos dumating ang isang araw, mahal ko na si Haylie. Cliche? Pero kasi totoo. Sabi nga ng mga barkada ko, bading daw ako sa mga kinu-kwento ko saknila pero dahil yun ang nararamdaman ko, hindi ko nalang sila pinansin.
Sabi sakin nila Mommy at Daddy nun nung pinakilala ko saknila si Haylie, nung time na nililigawan ko siya, nagbago daw ako. Hindi na raw ako yung dating bugnutin, masungit at arogante noon. Kaya laking pasasalamat nila, lalo na si Mommy, dahil nakatagal daw sa akin si Haylie.
Hinawakan ko ang kamay niya na kanina pa naka-hawak sa ibabaw ng kamay ko at nginitian ko siya. Siguro naalala niya yung time kung pano niya ako binago mula sa nakaraan ko noon. Siguro tumatawa ns iya sa isip niya kung gaano ako ka miserable non. Pero, laking pasasalamat ko nalang at si Haylie na ang una at huli kong babaeng mamahalin.
BINABASA MO ANG
The Unbreakable Love
Ficção AdolescenteMeet Haylie. Third Year College - Majoring in Nursing Student. Boyfriend niya si Kalvin, Fourth Year College - Majoring in Architecture. May pagsubok silang hindi inaasahang dadating; ano kaya ang dadating sa kanila? Makakayanan kaya nila?