Chapter 21: Naaawa
Totoo nga ang sabi ni Kalvin, na magiging busy na ang department nila. Maaga siya palaging naalis ng condo, at nagiging 6pm ang uwi niya na dati hanggang 4pm lang ang klase niya.
Habang wala si Kalvin, ginagawa ko lang yung Party ng Nursing Department. Nagco-kontakan kami ni Carla about dun kaya medyo hindi ako nabo-bored. Minsan pumupunta ako kila Kuya Kiel para makita ang pamangkin ko. Minsan naman, nagpupunta si Corinne dito, o vice versa.
At nagpapasalamat naman ako kapag tuwing sumasapit ang weekends. Palaging nandito si Kalvin para bumawi sa isang linggo niyang pagkawala sa condo at hindi pag-alaga sa akin, which is naiintindihan ko naman. Ano nga naman bang laban ko sa department rules nila diba?
"Do you need anything else?" tanong sa akin ni Kalvin ng matapos siyang maghugas ng pinagkainan namin. Yes, hindi parin niya ako pinapagawa ng gawaing 'condo. Though, sinusulit ko ang pagkawala niya ng isang linggo para maglinis ako at makapag-luto ng ulam namin.
"Nope, I am good." sabi ko at nagbuklat ulit ng libro, "May gagawin ka ba?"
Naupo siya sa tabi ko at nagbukas ng TV. "Nope."
"Then, matulog ka or magpahinga." sabi ko sakaniya, "Alam kong hindi ka masyadong nakakapag-pahinga sa tuwing dumadating ka galing school,"
"I am okay, love." sabi nito at nagpatuloy sa paglilipat ng channel, "Don't worry."
Tigas talaga ng ulo niya.
Hinayaan ko siya sa gusto niyang mangyari. Nanoood siya ng series na inaabangan niya habang ako ay nagbabasa ng libro.
Natapos ang palabas na pinapanood niya at nagtataka ako kung bakit parang walang gumagalaw or pumapatay ng movie?
Umupo ako ng maayos at nakita kong naka-nganga ang boyfriend kong si Kalvin.
Yeah, right.
Tumayo ako para kumuha ng blanket at ipalibot sa katawan niya. Nagdala narin ako ng unan para pang-support sa ulo niya.
Matapos kong gawin iyon ay nagluto ako ng pang-hapunan namin. Ang usual na ulam namin ay umaabot ng 2 days, pero ngayong ako nalang kumakain at madalang si Kalvin, ay umaabot ito ng 5days or 1 week. Kumbaga, init init nalang ng ulam.
Nag-luto ako ng Pork Menudo at nag-saing narin ako. It's just 4pm pero tapos na ako sa pagluluto. Hindi parin giising si Kalvin. It's okay though, para makapag-pahinga siya. Naaawa na ako sa kaniya.
Napag-isip kong magbe-bake ako ng cupcakes. Ita-try ko lang. Hindi naman kasi ako maka-'bake' eh. I'm more on 'ulam'. Pero binigyan naman ako ni Tita ng iilang recipes for cupcakes.
Napatingin ako sa phone ko ng marinig kong nagba-vibrate ito. Nakita kong si Corinne ang tumatawag kaya agad kong sinagot.
BINABASA MO ANG
The Unbreakable Love
Roman pour AdolescentsMeet Haylie. Third Year College - Majoring in Nursing Student. Boyfriend niya si Kalvin, Fourth Year College - Majoring in Architecture. May pagsubok silang hindi inaasahang dadating; ano kaya ang dadating sa kanila? Makakayanan kaya nila?