HAYLIE'S POV
Feeling ko wala na akong ganang gumalaw ngayon. Gusto ko lang palaging humiga, matulog. Bawat akma kong galawin ang paa ko, sumasakit ang mga joints ko, maski sa kamay ko. I feel like, every piece of me is so fragile; isang hawak lang ay parang mababsag na.
"Am I going to be okay?" tanong ko kay Kalvin habang hinahawakan niya ang kamay ko. I tried to eat, but hanggang isang kutsara lang ako ng lugaw na luto ni Mama.
"Of course, my baby." sabi nito at hinahalikan ang kamay ko, "of course."
Nagising ako ng may basang twalya sa noo ko. Siguro ay kakatapos lang akong punasan ni Kalvin.. pagmulat ko ay naka-higa siya sa sofa at natutulog.
Look at my baby.
May mga gagawin pa dapat yan para sa boards niya, but he insist to stay with me.
Pumikit muna ako ng mariin bago ko siya sagutin. Kung hindi lang masakit buong katawan ko ay baka nasigawan ko na siya ng sobra. Sobra sobra na ang nabibigay niya saking sakripisyo.
Nilapitan ako ni Kalvin mula sa pagkakaupo niya sa sofa, he holds my hand and looks at me dearly.
"You are more important to me, Haylie." sabi nito. "Gusto ko kapag aalis ako dito, kasama ka na."
He kiss my forehead. May luhang pumatak sa mata ko and he saw it.
"You will be okay, love." sabi nito, "Have faith."
Nag-stay pa ako ng ilang araw sa hospital. Araw-araw, lalo akong nanghihina. Nandito nagbabantay sa akin si Leah, at si Mama. Si Papa ay parating palang galing Maynila. I asked Papa to bring the twins at pumayag naman sila. Miss na miss ko na sila.
"Hello, Mommy!" sabi ni Mama ng kinarga niya si Jarrett at nilapit sa akin. Ng makita niya ako ay ngumi-ngiti siya. Natutuwa ako dahil naaalala pa niya ako. Kahit ilang linggo na siya kila Mama or kila Tita. I'm glad and thankful na hindi parin niya ako nalilimutan.
Ganon din ang ginawa ni Mama kay Ysabelle. And like, Jarrett, malaki rin ang ngiti ni Ysabelle sakin. Alam kong malakas siya tumawa kapag si Jalvin ang kaharap, but there's something na nakikita sila sakin kaya sila nangingiti.
Isang oras at kalahati ang inilagi ng kambal sa ospital. They are now 7 months. I still have enough breastfeed milk for them, but in my case, pinagbawalan ako ng doctor magbigay ng breastfeed kahit maliit ang chance na magkaroon sila ng dengue through breast milk. Kaya formula muna sila. As much as ayaw ko muna sila pagamitan ng formula, kailangan.
Nagising ako ng nasa tabi ko na muli si Kalvin. Naka-hair up ang buhok niya at naka casual na tshirt at shorts nalang. Kakatapos lang siguro ng graduation at dumeretso agad dito.
"You're awake!" sabi ni Kalvin ng magkatinginan kami.
"How's graduation?" tanong ko at ngumiti; I missed his graduation, nakakalungkot lang.
"I received a cum laude medal," sabi nito at laking ngiti niya, "I even have Class Salutatorian medal."
"I am so proud of you, love." sabi ko. Akma ko sana siyang yayakapin, but imbis na yakapin ko siya, nasukahan ko siya.
"S-sorry," sabi ko sabay hawak sa bibig ko, "I- I didn't mean it!"
"Don't worry, Haylie, it's okay." sabi nito at kumuha ng tissue sa side table.
What's happening to me.
"I- I am sorry." sabi ko at naluluha ako. Wala na ba talaga akong silbi? Imbis na maging masaya ngayong araw na ito, ay hindi pa nangyayari?
"It's okay, love." sabi niya muli. "I'm gonna change my clothes okay?"
Nakabalik si Kalvin mula sa banyo ng may bagong shirt at shorts. Parang ayoko na tuloy magsalita, I don't even know kung kailan ulit ako susuka. Ayokong maubos ang damit ni Kalvin dahil kakasuka ko sakaniya. Twice ko na siyang nasukahan.
"Maalala ko pala, love" sabi nito at naglagay ng tubig sa baso, "Corinne and Sean ay pupunta mamayang hapon."
When he mentioned my best friend, nabuhayan ako bigla ng loob. Ngayon ko nalang ulit siya makaksama after ng bumisita sa condo namin. Nanganak na pala siya nung nakaraang buwan. Hindi ko pa nakikita ang anak niya dahil sobra kaming busy sa mga bagay bagay.
"I look horrible," sabi ko sakaniya, that's for sure. I look horrible. Hindi man ako pala lagay ng make-up, pero kung ialng araw na ako dito sa ospital, puro punas lang ang ginagawa sakin, ew, let's not go there in that part anymore.
"I'm sure they'll understand, love." sabi niya at ngumiti.
True to their words, dumating si Corinne kasama si Sean na nangangayayat at buhat buhat ang car seat ng bata. Dala-dala nila ang kanilang anak!
"Best frieeeend!" tawag sakin ni Corinne at bigla akong niyakap, "I miss you so much!"
Lalong gumanda si Corinne matapos ipanganak ang kaniyang anak. Matanong nga minsan ang sikreto niya.
"I miss you too," sabi ko at ngumiti , "Hey Sean, kamusta?"
"Okay naman, Hays!" sagot nito at ipinatong sa table ang car seat ng kanilang anak, "How are you?"
"Same-same," sabi ko nalang. Ayoko kasing paasahin ang sarili ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari mismo sa katawan ko. "Yan na ba ang anak niyo?"
Iniharap sakin ni Sean ang car seat na dahilan ng pagka-kita ko sa kanilang anak. Bata palang nakikita mo ng si Sean ang kamukha. Ang maputing kutis nito, ang malaking tenga ni Corinne at ang button nose niya ay nakuha ng anak, ang chubby cheeks, at ang bilugang mata ay kay Sean.
Bakit lahat ata ng insecurity ni Corinne ay napunta sa anak niya? Hehehe,
"Ano pangalan niya?" tanong ko. Gustong gusto kong siyang hawakan.
"Aidan Luke." sagot ni Corinne ng binuhat niya ang anak at inilapit sa akin. Ang cute ng anak nila. Naaalala ko tuloy yung sanggol palang ang dalawa kong anak. But look at them now, they're mochi's!
"Sana po wag magmana sa kaartehan ng ina," sabi ko at nginitian lang ako ni Corinne.
"Wag sanang mamana ni Luke ang possessiveness ni Sean." nginitian nalang ni Sean ang girlfriend. Yung dalawang yan talaga! Nag-aasaran na naman!
Ilang oras muna nagkwentuhan kaming dalawa, at sila Sean and Kalvin. Alas quatro ng hapon ng magdesisyon silang umuwi. Baka kasi mahamugan ang bata,
"We're going, Haylie." sabi sakin ni Corinne at niyakap niya ako, "Pagaling ka ha!"
"Thanks for visiting, Corinne, Sean." sabi ko at ngumiti sakanilang dalawa,
"Girl, I'm serious," sabi ni Corinne bago makalabas ng kwarto, "Magpagaling ka, sabay pa tayong mag-eenrol at magtatapos!"
Tumungo ako sakaniya at ngumiti nalang.
Kahit may sakit ako, nandiyan parin si Corinne sakin kahit may sarili na siyang alagain. I still feel her caring just like my mother. Nanay ko yan minsan sa university, kaya sa tuwing sinasabihan niya ako, I feel encouraged.
BINABASA MO ANG
The Unbreakable Love
Fiksi RemajaMeet Haylie. Third Year College - Majoring in Nursing Student. Boyfriend niya si Kalvin, Fourth Year College - Majoring in Architecture. May pagsubok silang hindi inaasahang dadating; ano kaya ang dadating sa kanila? Makakayanan kaya nila?