Chapter 20

4K 68 0
                                    

CHAPTER 20: Stupid


Tinawagan ako ng OB ko na may check up ako ngayon. Well, tinawagan niya ako last week, at ngayon na ang schedule ko. It's my 22nd week already. Sinabi niya na gusto na niyang malaman ang totoong gender. Kasi alam niyang excited daw ako.


"Ikaw lang mag-isa, Haylie?" tanong sa akin ni Doc habang nagpapahid siya ng liquid gel sa tyan ko.


"Opo, may pasok kasi si Kalvin. Marami siya kasing klase ngayong araw." sagot ko sakaniya at tumungo siya.


Kasama ko actually si Leah. Ang kaso nasa labas lang siya. Ayaw niyang pumasok, ewan ko ba dun. Dapat ako lang mag-isa actually, pero pinasamahan parin ako kay Leah. Lalo na't medyo malaki na nga ang tyan ko.


"Yup, we are right." biglang sabi ni doc habang nakatingin sa screen. "Boy and girl nga ang anak niyo."


Hindi pa napasok sa isipan ko. Totoo nga talagang kambal ang anak namin. At boy and girl pa.


"Congratulations!" sabi sain ni doc ng matapos niya akong bigyan ulit ng mga gamot para sa mga bata.


Lumabas ako ng kwarto ni doc at nakita ko si Leah na nagbabasa ng kaniyang libro sa school. Naks, sipag.


"Kamusta ate?" tanong niya ng makita niya akong nakalabas na ng kwarto.


"It's a boy and a girl!" sabi ko sakaniya ng nakangiti! Super excited na ako! Kahit anong gender naman talaga ay okay lang sa akin, pero ang boy and girl sa iisang panganak? Nako po!


"Wow! Congratulations!" sabi ni Leah at niyakap ako.


Kumain muna kami ni Leah ng meriend bago niya ako hinatid sa condo. Bilin kasi sakaniya ni Mama na wag akong iwan hangga't hindi ako nakakarating sa condo. Eh malayo pa naman sa way ni Leah yun pauwi sa bahay. Buti nalang at hapon pa ang pasok niya bukas.



From: Love

How's the ultrasound?


Imbis na sagutin ko ang tanong niya, sinabihan ko nalang siya na nakarating na ako sa condo. Pauwi narin siya dahil hanggang 4pm lang siya.


Hindi na ako gaanong maselan sa amoy ngayon, so far. Kaya napag-desisyunan kong magluto ng Beef Steak. Naiinlove na ako sa gisa ngayon, so mas maganda!


Alas-cinco na ng hapon at hindi parin nakakabalik si Kalvin. Baka may emergency meeting ang kanilang department o kaya naman sa Student Council. Alam niyo naman ang mga ganon. Super busy.


To: Love

Where are you?


Agad siyang nag-reply sa akin na nasa school pa raw siya at pauwi na in 10 minutes. Tama nga ako, baka may emergency sila.


The Unbreakable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon