Chapter 25: Inggit
So bumalik na sa dating routine si Kalvin at ganon din ang akin. Magisa, tahimik, bored etc. 29th week ko na at lumalaki na ang tyan ko.
Kakadating ko lang galing OB para icheck kung okay ang lahat. And yes, me and my twins are okay. Salamat naman.
Sinabihan din niya ako na sabihan muna siya bago ako uminom ng gamot. Na-compliment pa ako ni doctora dahil sa hindi ko paginom ng gamot sa lagnat.
Aba, tender loving care ni Kalvin, sinong hindi gagaling? Hihihi
"Carla, busy ka ba?" tinawagan ko si Carla dahil may itatanong ako.
"Hindi naman. Bakit?"
"May nakuha na kasi akong catering para sa party?"
"Oh really? That's great. Send mo lang sakin yung informations para magpa-reserve na."
Matapos ang aming usapan about sa catch up sa party. In-email ko kay Carla ang informations na nakita ko sa catering. May binigay din kasi sakin sila Mama tska si Tita na informations about sa iba't-ibang catering. Yung mura lang pero presentable.
Nagpatuloy ako sa pag-gagawa ng invitations para sa party. Pwede rin kasing outsiders o ibang department ng university sa party namin. O, nila pala. Hahaha~
*ding-dong*
What?
Wala akong expected guest?
Pero ano nga naman ba, edi buksan.
"Uy, Haylie!" at bigla akong niyakap ni Corinne na may dalang donuts.
"Hindi ka naman nagsabing pupunta ka!" sabi ko at pinapasok ko siya.
"Ano ka ba, bored narin ako sa bahay." sabi niya at naupo sa may sala "nag-aaral din kasi si Sean!"
Oo nga pala. 4th year College na si Sean at tinatapos ang kaniyang kursong Entrepreneurship. Business minded kasi si Sean, at gusto niyang magtayo ng sariling negosyo. Yun nga lang, hindi alam kung ano pang negosyo. Though ang daming ideas ni Corinne, kaya lang talaga parang hindi pa sigurado si Sean.
"Hay nako, nakaka-ilang linis na kaya ako dito sa condo!" sabi ko at binigay sa kaniya ang mango juice.
"Same!" sabi niya at ininom ang juice.
"So, kailan daw malalaman ang gender ng baby mo?" tanong ko sakaniya habang nags-search at gumagawa ako ng invitations.
"Next 2 weeks pa ako magpapa-ultrasound." sabi niya, "nae-excite na ng ako eh!"
Nag-apir kami at ngumiti.
BINABASA MO ANG
The Unbreakable Love
Ficção AdolescenteMeet Haylie. Third Year College - Majoring in Nursing Student. Boyfriend niya si Kalvin, Fourth Year College - Majoring in Architecture. May pagsubok silang hindi inaasahang dadating; ano kaya ang dadating sa kanila? Makakayanan kaya nila?