CHAPTER 13 - USAPANG TAKOT
Nagisng ako dahil naalimpungatan ako. Pagka-gising ko, wala na si Kalvin sa tabi ko; agad akong nagpunta sa CR para mag-ayos. Kung dati, it would take me just 15 minutes, ngayon? 25 minutes na. Di ko rin alam kung bakit, pero feeling ko konting pagmamadali ko lang baka may mangyari na."Love, let's eat breakfast." aya sa akin ni Kalvin ng narinig niyang nagbukas ako ng pintuan. Napansin niya sigurong gising na ako.
Lumabas ako ng kwarto at nakita kong naka-apron si Kalvin. Pucha, guma-gwapo siya kapag naka-apron. Umupo ako ng tahimik pero tinititigan ko ang likod niyang nakaharap sa akin dahil nagluluto pa siya sa lutuan.
Naka-palumbaba ako habang hinihintay siyang matapos. After mga 3 minutes siguro, humarap siya at inilapag ang pagkain.
"Quit staring," sabi niya and he chuckled. "Matutunaw ako."
"Edi ilalagay ulit kita sa freezer para tumigas ka ulit." sabi ko at tuamwa ako.
Kumain kami ni Kalvin habang nagkkwentuhan. Pinaguusapan namin yung mga future plans. Knowing ako lang ang mag-isa kapag pasukan na nila Kalvin. Pwede rin naman kaming lumabas labas ni Corinne since buntis din naman ang babaeng yun! For sure, hindi rin papasok yun ngayong taon.
"Oh sh-" bigla kong tinakpan ang bibig ko. "May kailangan pala akong ayusin kasi may last batch party ang Nursing sa 2nd sem before grad."
Paano yan? Baka by that time, manganganak na ako? nako, lagot ako kay Mrs. Medina.
Wala pang alam ang ibang batchamtes ko dito, pati ata si Carla wala pang alam. In short, si Corinne palang talaga.
"You can contact Mrs. Medina and tell her the truth." suhestyon ni Kalvin at umnom ng tubig. "For sure she'll understand. Buntis ka, anong magagawa niya?"
"I'll contact her pero itutuloy ko yung trabaho bilang Vice President. Kailangan ng tulong ni Carla for this party." sabi ko
"Kahit hindi ako aattend ng party though di pa naman sure kung kailan yung date. Basta kapag hindi ako pwede, hindi nalang ako pupunta. At least, kung hindi man ako makakapunta, nagawa ko ang trabaho ko bilang Vice President."
Naghugas si Kalvin ng plato kahit na gusto kong mag-hugas. Baka daw kasi ma-stress si baby at magmadaling lumabas. Though medyo nakakaasar kasi feeling ko pinapagod ko ng husto si Kalvin at baka masanay ako.
"Love, aalis kami ni John, barkada hang out lang." sabi sa akin ni Kalvin ng matapos siyang maghugas. "Minsan naalng rin kasi kami umalis diba? Kasi nagpunta tayo kila Mama at Mommy."
"Sure, don't worry. Papapuntahin ko si Corinne dito, chikahan lang kami," sabi ko and Kalvin kissed my forehead.
"I'm just going to take a bath."
Tinext ko si Corinne na magpunta dito sa condo namin. At salamat at pumayag naman siya. Akala ko hindi siya papayag, tska mas malaki tyan ko sakniya, eh siya 7 weeks lang, ako 16 weeks na.
Before Kalvin left, nakiusap akong dalhan ako ng Milktea at bilhan ng libro. Tapos na kasi ako sa binabasa kong libro e wala ako oras bumili. Sinabihan ko narin siyang bumili na ng gamit niya sa university para iwas siksik sa National.
Maya-maya, dumating si Corinne na may dalang pizza. Emegesh, i love pizza. Binuksan ko iyon at agad lumayo.
"Corinne naman eh!" sabi ko at piningot ko ang ilong ko. "Alam mo namang ayaw ko ng olives!"
Umupo ng maayos si Corinne sa upuan namin at kumuha ng slice, "Ako naman ang kakain kasi,"
Oh,
Bwiset.
"Kainis ka ano? Akala ko naman kasi sa akin. Tss." sabi ko.
"Joke lang, nasa labas yung iyo. Iniwan ko talaga." sabi niya. Muntik ko na siyang binatukan pero kinuha ko nalang sa labas ang isnasabi niyang pizza.
Whoaaa *v* Hawaiian pizza na may pineapple! <33
Niyakap ko ng mahigpit si Corinne at nagpasalamat. Kilalang-kilala niya talaga ako.
"Hayley," tawag bigla sa akin ni Corinne sa kalagitnaan naming panonood ng TV Series at sa pagkain ng pizza.
"Bakit?"
"Bakit ang weird ng laki ng tyan mo?" tanong niya at bigla naman akong napatingin sa tyan ko.
"Hindi ko nga rin alam actually. Ang sabi baka daw puro bata ang laman o puro tubig. Then yung bestfriend ni Kalvin na nagaaral ng pagka-OBGYN, sinabihan ako na baka daw twins ang anak namin. Di pa naman yun confirm pero sa 20th week ko may check up ako, so baka dun nalang malaman." paliwanag ko sakniya at uminom ako ng tubig.
"Natakot tuloy ako." sabi niya sabay hawak sa tyan niya.
"Gaga, wala pa yang bukol sa tyan mo sa akin no! Nakakapaglakad ka pa ng malaya, e ako mga ilang steps lang ata hingal na."
"Mas malaki naman tyan mo sakin, tange." Sabi niya at nagtawanan kami. Kung hindi kasi kami titigil, baka kung san pa mapunta ang usapan.
First time moms kami ni Corinne kaya nasa amin parin ang takot. Paano kapag hindi lumabas si baby? Paano kung premature? Pano kapag delikado kaming dalawa?
"Uy, ano na namang iniisip mo diyan?"
"Wal-"
"Natatakot ka ano?" sabi ni Corinne at inom ng tubig.
"Bakit hindi ka ba takot?"
"Of course, natatakot ako." panimula niya "Alam mo naman yung mga pinapanood natin minsan na drama diba? Maraming posibilities na mangyari habang nagbubuntis o kaya naman habang nanganganak, al- ARAY!"
Binatukan ko nga, muntanga.
"Tigil-tigilan mo kasi ang panonood ng drama, bruha!" sabi ko at tumawa nalang at nanood uli.
"Parang siya hindi ah! Akala ko ba it's a girl thing?" at nagtaas siya ng kilay. Hinarap ko ulit siya at inirapan.
"So highschool ,Corinne."
"Ugh, shut up! Parang hindi ka nag-daan sa puberty stage!" sabi niya at tumawa nalang.
May pagka-baliw talaga 'tong kaibigan ko. Can someone tell me kung bakit ko siya kaibigan?
Mga ilang sandali, sinundo na ni Sean si Corinne. Aba, ilang weeks palang si Corinne pero hatid sundo na! Iba na ang maalaga talaga!
Tinext ko si Kalvin na umuwi na dahil mag-7pm narin. Gustuhin ko mang magluto, pero nababahuan ako sa mantika at ginisang bawang at sibuyas kaya hindi ko magawa. Feeling ko kasi magsusuka ako kapag naamoy ko ang mga iyon. Which is super odd, kasi pagkakatanda ko, ipinangako ko sa sarili ko na kahit ginisang bawang at sibuyas, okay na sa akin.
BINABASA MO ANG
The Unbreakable Love
Teen FictionMeet Haylie. Third Year College - Majoring in Nursing Student. Boyfriend niya si Kalvin, Fourth Year College - Majoring in Architecture. May pagsubok silang hindi inaasahang dadating; ano kaya ang dadating sa kanila? Makakayanan kaya nila?