CHAPTER 17: Hospital
Napasandal ako sa may tanke ng toilet bowl dahil biglang sumakit ang tyan ko.
"Ano- oh my goodness.." sabi ni Kalvin at agad akong tinulungan.
"KRIS! START THE CAR!" sigaw ni Kalvin and I didn't hear anything after that because my mind went blank.
**
Nagising ako at nakita ko ang kwarto na kulay puti at nakita ko si Kalvin na naka-ubob ang ulo sa gilid ng kama ko.
"Kal-vin." agad siyang nagising sa tawag ko at ikinamusta ako.
"Wag mo akong intindihin, kamusta ang bata?" nag-aalala kongn tanong.
"The doctor said it's fine, nahimatay ka lang ata with the sight of blood, and sumakit ang tyan mo dahil sa cramps." paliwanag niya, "But everything's fine."
Nag-buntong hininga ako sa sinabi niya. I don't care kung may mangyari sa akin, as long as wag lang sa baby ko.
"Sila Kris?" tanong ko.
"Umuwi muna sa kanila. Bibisita sila dito bukas,"
Salamat po at safe kami ng anak ko. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung may mangyayaring masama sa anak ko.
Pinaghanda ako ni Kalvin ng prutas at kumain naman ako habang nanonood ng Movie sa TV ng ospital. I texted my parents na okay lang ako at wala dapat silang alalahanin. Pero, knowing them, bibisita daw sila sa akin bukas.
"Love, bibisita dito sila Mom and Dad, pati narin si Ayah." sabi ni Kalvin sa akin at iniabot ang mansanas na hiwa.
"Nako, reunion ata magaganap bukas ah," at kinagat ko ang mansanas, "Pupunta rin sila Mama dito at Papa. Sabi sa akin baka din daw sila Kuya Kiel at Leah."
Napakamot nalang sa ulo si Kalvin at ngumiti.
"May pasok ka na sa isang araw ah?" sabi ko sakaniya at hinaplos ang kaniyang kamay na nasa ibabaw ng tyan ko.
"Oo nga eh, pano kapag hindi ka pa pwedeng lumabas dito?"
"Then you can visit me after." at ngumiti ako
"I'll ask Mo-"
"No, may mga aasikasuhin si Tita, ano." sabi ko "Sila Mama nalang,"
"I'll ask them for you," sabi niya at hinalikan ang noo ko. "Please take care of yourself, okay? I was so worried."
Nginitian ko siya at tumungo nalang. Kahit kailan talaga, feeling ko, after nito may mangyayaring hindi maganda.
Shut up, Haylie Natalia Perez! Be positive!
"Hello, Haylie?" bati sa akin ng doctor na agad pumasok sa kwarto namin.
"Everything is fine, Haylie." sabi nito, "Wala ka dapat alalahanin, baka in any day, makakalabas ka na. Basta makita ko lang yung results ng test mo mamaya, kapag everything's fine, baka pwede ka na lumabas mamaya?"
"Salamat po, doc!" sabi ko at ngumiti
"Kailan ang check up mo pala sa OB mo?"
"The day after tomorrow po." sabi ko at tumungo siya.
BINABASA MO ANG
The Unbreakable Love
Teen FictionMeet Haylie. Third Year College - Majoring in Nursing Student. Boyfriend niya si Kalvin, Fourth Year College - Majoring in Architecture. May pagsubok silang hindi inaasahang dadating; ano kaya ang dadating sa kanila? Makakayanan kaya nila?