Chapter 22: Mom and 'soon-to-be' Mom talk
It's my 27th week already and nafi-feel ko na ang paggalaw ng mga anak ko sa loob ng tyan ko. Minsan nagigising ako dahil akala ko niyuyugyog ako ni Kalvin, pero sinisipa palaako ng anak ko.
Ganun parin ang routine naming dalawa ni Kalvin. Aalis siya ng maaga, at uuwi ng gabi na. Dahil madali na akong antukin, hindi ko na siya naabutan minsan. Minsan, sa katigasan ng ulo ko, pinipilit kong wag matulog, pero palaging fail. Dahil nagigising parin akong nasa loob na ng kwarto at nagi-guilty dahil binuhat ako ni Kalvin kahit na sobrang bigat ko dahil narin sa mga anak namin.
"Nag-ke-crave ka ba ngayon, anak?" tanong ni Tita sa akin habang nasa kusina siya at nagluluto.
"Wala po tita. Maski yung sensitive smells ko, wala." sagot ko at pinagpatuloy ang pagpupunas ng mga picture frame na naka-display sa condo.
Bumisita si Tita para kamustahin ako. Sinabihan niya si Ayah na pumunta if pwede. Nasabihan narin niya si Kalvin about sa pagbisita niya.
"Kamusta ka naman?" tanong niya sa akin ng mapunta ako sa kusina, magaabang ng maitutulong.
"Okay lang naman po, mas doble ingat na po ako ngayon."
"That's good," sabi niya "basta ingat ingat lang parati." at tumungo ako.
"May maitutulong po ba ako?" tanong ko, hindi kasi ako sanay na may ginagawa ang iba tapos ako nakatunganga lang.
"Nako, today is your rest day," sabi ni Tita at natawa. "Alam kong ikaw ang nagawa ng mga gawaing bahay dito habang wala si Kalvin. Yan din ang ginawa ko nung pinagbubuntis ko sila."
"Ganiyan din ka-protective noon sa akin si Richard," pasimula niya, "tumatakas din ako sa paglilinis ng bahay habang nasa trabaho siya, though tinutulungan parin ako nung katulong dati."
"Kasabwat ko rin yung katulong namin dati, siyempre." at tawa ni Tita,
"Pero nung pinanganak ko na si Kalvin tska si Ayah nun, nalaman na niya."
"Hindi po kasi nila naintindihan na gusto rin nating gumalaw, Tita no?" sabi ko at nginitian ko siya.
Nilapag niya ang bagong lutong Caldereta sa hapag-kainan.
"Oo, pero siyempre naisip ko rin na gusto lang talaga tayo protektahan, natatakot sila na baka may mangyari satin. Iniisip kasi nila na baka sobrang bigat satin nung gusto nating gawin."
Ganon din ang iniisip ko sa tuwing pinapagalitan ako ni Kalvin. Nung una parang naiinis pa ako, kasi hindi niya iniisip na nabo-bored din ako. Pero nung bigla kong nilawakan ang pagiisip ko, na-realize ko na para sakin din naman ang ginagawa niya. So simula nun, di na ako gumagawa ng gawaing-'condo'. Well..sa tuwing wala lang si Kalvin :P
Nag-start na kaming kumain ni Tita ng niluto niyang Caldereta. Kahit anong gawin kong tikim sa ulam niya, di ko parin mahulaan kung ano yung nilalagay niya sa ulam. Sobrang sarap kasi! No wonder magaling din magluto si Kalvin. Tamad lang minsan :P
"How is it?" tanong ni Tita sa akin ng matapos kong malunok ang isang subo.
"Masarap po, Tita!" sabi ko at nginitian ko siya, "Wala parin pong kupas!"
"Nako naman, anak." sabi niya at nagpatuloy kami sa pag-kain.
Nagkwentuhan pa kami saglit ni Tita. First love pala niya si Tito Richard, nagka-boyfriend pa si Tita noon, matapos ang heartbreak and one-sided love niya kay Tito Richard, tapos na-realize daw ni Tito Richard na si Tita daw talaga at wala ng iba.
"Totoo pala yung ganon, tita?" tanong ko sakaniya matapos kong marinig ang buong kwento niya.
"Oo nga eh, di rin ako makapaniwala, actually." at ngiti niya
"Maiba tayo," bigla niyang sinabi ng wala na akong maitanong sakaniya. "First boyfriend mo ba sk Kalvin?"
Umiling agad ako. at nabigla. Akala ko alam niya?
"Si Dylan po yung una," sabi ko "mas pipiliin ko pa po si Kalvin."
Kinuwento ko kay Tita ang nangyari. Na si Dylan noon ay magaling lang sa panliligaw pero once na naging kayo, kung ano-ano ng kalokohan ang nalabas sa katawan niya.
"Laking pasalamat ko nalang po na dumating si Kalvin." napangiti si Tita ng sinabi ko iyon at hinawakan niya ang kamay ko. Kumbaga parang na-'touched' siya sa sinabi ko.
Tinulungan ko si Tita magligpit ng pinagkainan namin at mga ginamit niyang pinanluto ng ulam namin.
"Tita, mahirap po bang magpalaki ng anak?" tanong ko kay Tita sa kalagitnaan ng panonood namin ng movie.
"Oo naman." agarang sabi niya at napangiti nalang ako. "I mean, lahat ng dapat mong gawin o desisyon, dapat mauuna muna sila bago ang sarili mo."
"Kumbaga, pagdating sa mga anak mo o sa pamilya mo, kahit wala ka ng makuha basta wag ka lang magkulang sakanila."
"Wala kang tulog, uunahin mo muna silang pakainin bago ikaw, tapos kapag kakain ka na, di mo magawa kasi yung isa umiiyak dahil nag-away and stuff like that."
Sa sinabi ni Tita, parang feeling ko hindi ko kakayanin. Hindi ko sinabing hindi ko kakayanin ibigay lahat sakanila, pero yung takot na baka di ko magawa? I mean, paano kung di sapat lahat ng ibibigay ko?
"Natatakot ka ba?" tanong niya bigla sa gitna ng pagiisip ko. At tumungo ako.
"Ganiyan din naman kasi ang mga first time na ina," sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "Pero kapag once na naka-adjust ka na, or kapag nakita mo ang anak mong may ginawa para sayo, worth it lahat ng pagod at paghihirap mo sakaniya."
Tumungo ako sa sinabi ni Tita at niyakap niya ako. Mabuti nalang at tanggap ako ng pamilya ni Kalvin. Kasi papaano kung hindi? Edi habang dinadala ko ang mga apo nila, iniisip ko din sila?
Araw-araw kang magiisip kung ano gagawin mo para lang matanggap ka o kaya naman araw-araw kang matatakot kasi baka balang araw pag-gising mo wala na pala ang ama ng mga anak mo.
"Don't worry, Haylie." sabi ni Tita ng matapos kaming mag-yakapan at hinawakan ang braso ko. "Kapag pasaway si Kalvin sabihan mo ako. Kakampihan kita."
Pareho nalang kaming natawa ni tita.
BINABASA MO ANG
The Unbreakable Love
Teen FictionMeet Haylie. Third Year College - Majoring in Nursing Student. Boyfriend niya si Kalvin, Fourth Year College - Majoring in Architecture. May pagsubok silang hindi inaasahang dadating; ano kaya ang dadating sa kanila? Makakayanan kaya nila?