Chapter 14

3.7K 70 0
                                    

CHAPTER 14: DESERVE

17th week at ako'y napapagod na sa tuwing pupunta ako ng CR galing salas. Hindi naman ako makapag-reklamo kasi alam kong may 22 weeks pa ako. For sure bibigat at bibigat ang tyan ko, pero kung ngayon palang nag-rereklamo na ako, paano pa kaya ako sa mga susunod na linggo?

"Love, punta lang akong school, mag-eenroll." sabi sa akin sabay halik sa noo ko. 

I missed enrolling. 

"Pwede bang sumama?" sabi ko at halatang nagulat siya. 

"Are you sure?" tanong sa akin. 

Actually, natatakot ako. Baka kasi laitin nila ako, lalo na si Kalvin. Imbis na last year ko na sa Nursing, eh hindi, dahil buntis ako. Paano kung asar-asarin lang nila si Kalvin at mamaya pag-tsismisan nila ako? 

"You don't have to, Love." sabi sa akin at inakbayan ako. Sinandal ko ang ulo ko sa bandang leeg niya at sinarado ko ang mata ko. 

"Ang main reason ko lang naman talaga ay para makausap si Mrs. Medina about sa batch party namin. Gusto ko siyang sabihan na kahit buntis ako, aasikasuhin ko parin yung pinapagawa sa akin."

He kiss my temple and hug me tighter. 

"First day of enrolment lang naman, and it's Architectural Enrollees." Sabi niya at humarap sa akin. "For sure, lahat ng staff nandun." and he give me a peck on my lips. 

"Bahala na kung anong sasabihin nila, don't worry about me, love okay?" sabi ko at hinalikan ko siya ulit sa labi. "Just give me five minutes," 

Kumuha lang ako ng bagong bili ni Tita na maternity pants and yung maternity dress na binigay sa akin nung isang araw nung napadaan sila dito sa condo namin. Nagulat nga ako dahil hindi ko inakalang bibisita sila dito. 

Nasa sasakyan na kami ni Kalvin on the way sa school. Kinakabahan na ako ngayon, kasalukuyang hinahawakan ni Kalvin ang kaliwang kamay ko at yung kanang kamay ko naman ay naka-hawak naman sa tyan kong may bukol. 

"Are you ready?" tanong niya sa akin and he lean on to kiss my forehead. 

"I'm not but, let's go." sabi ko. He chuckled first before we left the car. 

Hinahawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Kalvin habang naglalakad kami. Nasa akin parin ang kaba, nasa akin parin ang takot na baka pag-tsismisan kami ni Kalvin at malian kami ng impression. 

"I'll call Mrs. Medina for you, okay?" sabi sa akin at hinawakan ang balikat ko. 

Dahil sa takot kong pumasok sa school, napag-desisyunan ni Kalvin na makipag-kita ako kay Mrs. Medina sa may lilim ng copacobana. Pero kahit na ganon ang set-up, hindi parin mawala ang kaba ko. Paano kung na-disappoint ko si Mrs. Medina? Pano kapag nawala ang tiwala niya sa akin? Paano ku-

"Haylie?" agad akong napatingin kay Mrs. Medina na nakatakip ang bibig niya sa gulat. Nasa tabi niya si Kalvin na nginitian lang ako.

Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Ano ire-react ko? Yayakapin ko ba siya? Iiyakan? Ano?

"Ganito mo ba itrato ang adviser mo?" sabi niya at nag-gesture siya ng yakap. Agad akong tumayo at niyakap ko siya.

Tinignan ko si Kalvin at nginitian ako. 

"Mrs. Medina, iwan ko po muna kayo ni Haylie, mag-eenrol po muna ako." sabi niya at tumungo nalang si Mrs. Medina

Naghiwalay kami ng yakap ni Mrs. Medina at nagsisimula na akong mangiyak. 

"Mrs. Medina, I'm sorry po for disappointing you, di ko po sina-"

"Ano ka ba, nangyari na. May magagawa pa ba ako kung papagalitan kita? Wala naman di ba?" HUHUHUHU Saan pa ba ako makakahanap ng thoughtful na adviser gaya niya?

"Don't worry, Mrs. Medina, gagawin ko parin po ang responsibilidad ko po sa Batch Party natin. If hindi man ako makapunta or hindi ako pwede, at least po may na-contribute ako." sabi ko sakaniya at ngumiti ako. 

"Hindi mo naman kailangan gawin iyon, Haylie. I can talk to the other Vice-Presidents." magsasalita pa sana siya kaso inunahan ko na. 

"No, Mrs. Medina. I insist; kailangan din po ng tulong ni Carla about it and wala rin naman po ako gagawin dahil hindi naman po ako papasok dahil nga po sa kalagayan ko, so mag-iisip nalang po ako ng mga ideas para po sa Batch Party." sabi ko at ngumiti ako. Hinawakan niya ang dalawang balikat ko at tinitigan ako. 

"Alam kong may takot ka sa pagbubuntis mo, pero I'm sure, magiging mabuti kang ina sa anak niyo ni Kalvin." sabi niya at niyakap ako. 

OMG Mrs. Medina T___T let's cri

"Salamat po, Mrs. Medina." Sabi ko at niyakap ko rin siya. "Paki-sabihan nalang po ako kung may ideya na para at least may alam parin po ako." at tumungo siya. 

Matapos naming mag-usap ni Mrs. Medina, sinabihan ako na kausapin ko daw si Carla para may alam siya.Dumating din si Kalvin mga after 10 minutes matapos umalis ni Mrs. Medina kaya dumeretso kami sa condo. 

"Ano pinagusapan niyo ni Mrs. Medina?" tanong ni Kalvin at uminom ng tubig. 

"About parin sa batch party at sinabi kong tutulong parin ako sa pag-aayos nito. Sinabihan din niya ako na kailangan sabihan ko si Carla tungkol sa sitwasyon ko para at least may alam siya." sabi ko. "Pero, nagpapasalamat parin ako at si Mrs. Medina ang adviser ko; tumatayong ina talaga siya. Sinabihan niya ako na magiging mabuting ina daw ako sa anak natin." 

Lumapit sa akin si Kalvin at hinalikan ang ulo ko and he hugs me. "Yun din naman ang pananaw ko sayo, Love. Magiging mabuting ina ka talaga para kay baby." 

Niyakap ko siya at nagsimulang tumulo ang luha ko. What did I do to deserve these people around me. Hindi nila ako hinuhusgahan or hindi kami hinuhusgahan. Napaka-swerte ko naman. 

"What do you want for dinner, love?" tanong sa akin ni Kalvin na nasa kusina na at naglalagay ng apron. 

"Uhm, please,wag ka munang maggi-gisa. Masusuka ako." sabi ko sakaniya at ngumiti siya dahil alam niyang sumusumpong na naman ang pregnancy hormones ko. 

"Is barbecue pork okay with you?" tanong niya sa akin habang nakaharap siya sa freezer habang hawak niya ang baboy. 

"For sure." at nag-lipat ako ng channel. 

"Thank you, love." sabi ko at tinignan ko siya. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "I love you."


He winks at me, "I love you too."

The Unbreakable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon