Chapter 26

3.7K 60 2
                                    

Chapter 26: Names

Nagising ako dahil sa paulit-ulit na halik sa akin ni Kalvin sa pisngi, sa ilong at sa noo. I am still half asleep pero binuksan ko ang mata ko at nakita kong ang laki ng ngiti ni Kalvin.

"Good morning, love!" at hinalikan ako sa ilong.

Anong meron bakit siya nandito? Wala siyang klase?

"Good morning," sagot ko at nagkusot ng mata, "wala kang pasok?"

Imbis na sagutin ako ay hinalikan niya ang tiyan ko, "Good morning, babies!"

Ng ma-sense ni Kalvin na gusto kong maupo, tinulungan niya ako at hinalikan ulit sa noo. Anong meron?

"Love, tell me," sabi ko matapos kong maghikab, "anong nagawa mong kasalanan?"

Natawa naman siya sa sinabi ko. May nakakatawa ba? Kanina pa niya ako hinahalikan eh. I mean, hindi naman sa ayaw ko, pero nakakapanibago lang. Kasi hindi niya gawain ang paulanin ako ng halik.

Inakbayan ako ni Kalvin, "Love, miss na miss na miss lang kita! Kasalanan ba agad?"

Ang tigas talaga ng dibdib niya. Namimiss ko ng sumandal dto.

"Eh hindi mo naman kasi gawain yun eh," sabi ko, "so back to my question, wala kang pasok?"

"Skip?" at ngumiti siya ng nakakaloko. Tinignan ko siya at pinalo ko siya sa braso.

"KALVIN?" at bigla siyang tumawa.

"No, biglang nagkaron ng problema sa department, at wala kaming pasok," sabi niya "pero ngayong araw lang."

Ang daming pakulo ng department nila ah! Yung totoo?

Tinulungan ako ulit ni Kalvin para makatayo. Aba, hindi biro tumayo ang 29th week na tyan! Twins pa ang laman! Dumeretso ako sa banyo para gawin ang mga ritual ko. After nun, lumabas ako at nadatnan ko si Kalvin na nag-hahain.

"Did you cook?" tanong ko sakaniya at umupo ako sa may lamesa. Nagugutom na ako.

"Yup," sabi niya at nilagay ang mainit na tocino at sunny side up eggs. Ugh, nakakamiss ang tocino :

"Thank you, love." at hinalikan ko ang pisngi niya. Kahit busy siya, hindi parin niya nakakalimutang alagaan ako at pag-silbihan. Kapag nanganak ako, siya naman ang pagsisilbihan ko.

"For?" at umupo siya sa tabi ko at kumuha ng kanin.

"Everything," at ngumiti ako. Kinuha ko ang braso niya at niyakap ko ito. How I missed him so much.

"Kaya mo pa ba?" tanong niya ng makakain ako at napatingin ako sa seryoso niyang mukha.

"What do you mean?" tanong ko at nginuya ang kinakain ko,

"Na ganito set-up natin?" Ah, yun ba?

"Konting push nalang, love, nakaya ko nga eh." sabi ko "Ilang weeks nalang at matatapos na 'to."

"Sure ka bang ayaw mo muna kila Mama or kila Mommy man lang?" tanong niya at umiling ako.

"Ayoko, nakasanayan ko na dito eh," sabi ko, "tska, ayoko namang mang-istorbo."

"Sabihan mo ako kapag gusto mong lumipat o kung may gusto ka." sabi niya, "don't hesitate, please." at hinalikan niya ang ulo ko.

Natapos kaming kumain at nagdesisyong lumabas at magpunta sa mall para bumili ng ibang gamit ng babies. Tinotoo na namin ang kulay ng mga damit ng babies, yellow and green. Yellow kay girl, Green kay boy.

The Unbreakable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon