Alabok na Sisidlan

7 0 0
                                    


I

Naririto alabok na sisidlan

Narungisan, may bahid ng kasalanan

Ngunit nilinis Mo aming karumihan

Puso'y sinidlan ng 'Yong katwiran

II

Walang saysay, dukha ng sanlibutan

Hinahamak dahil sa 'Yong Ngalan

Ngunit nilingap Mo sa 'Yong tahanan

Sa pagibig ni Hesus binihisan

Chorus:

Dinggin Mo Iyong alabok na sisidlan

Nagniningning dahil sa'Yong banal na katwiran

Tanging pasalamat sa 'Yo ang maiaalay

Dahil inibig Mo aming kaliitan

III

Di man sing-kinang, gintong sisidlan

Pagdamutan Mo aming nakayanan

Pangako ay tanging Iyo lamang

Nawa'y tulungan Mo at samahan

Chorus:

Dinggin Mo Iyong alabok na sisidlan

Nagniningning dahil sa'Yong banal na katwiran

Tanging pasalamat sa 'Yo ang maiaalay

Dahil inibig Mo aming kaliitan

Bridge:

Walang maitutumbas pagibig Mong wagas

Alay sa 'Yo pasasalamat na walang wakas

Chorus:

Dinggin Mo Iyong alabok na sisidlan

Nagniningning dahil sa'Yong banal na katwiran

Tanging pasalamat sa 'Yo ang maiaalay

Coda:

Dahil nilinis Mo

Dahil nilingap Mo

Dahil inibig Mo alabok na sisidlana

TG Original SongsWhere stories live. Discover now