Ang Pangako Mo

10 0 0
                                    

Ang huni ng ibon sa himpapawid

Ang ihip ng hangin sa gabing malamig

Mga lirio sa parang kay ganda ng damit

Nagpapakilala ng Iyong pagibig

Sa tuwing nalulungkot at may suliranin

Sa pagluhod sa 'Yo at sa pagdalangin

Nasusumpungan ko sa aking damdamin

Tunay na Ikaw ay Amang mahabagin

Chorus:

Ang pangako Mo ang panghahawakan

Na ako'y hindi Mo pababayaan

Kung Ika'y wala ay wala ring saysay

'Di na nais pang sa mundo'y mabuhay

Kaya ako ngayo'y nagpapasalamat

Dahil sa pagibig at Iyong paglingap

Tinawag Mo ako dahil sa 'Yong habag

Puso ngayo'y nagagalak

Ama salamat

Chorus:

Ang pangako Mo ang panghahawakan

Na ako'y hindi Mo pababayaan

Kung Ika'y wala ay wala ring saysay

Di na nais pang sa mundo'y mabuhay

Kaya ako ngayo'y nagpapasalamat

Dahil sa pagibig at Iyong paglingap

Tinawag Mo ako dahil sa 'Yong habag

Puso ngayo'y nagagalak

Ama salamat

Salamat

TG Original SongsWhere stories live. Discover now