Awit ng Pag-asa

6 0 0
                                    


Sa 'king mga pag-iisa, sa pagbubulay sa t'wina

Ay aking naaalala, kabutihan Mo, oh Ama

Pumapatak aking luha, pagka't sa'Yo'y nahihiya

Di man ako nararapat, ako'y Iyong tinatanggap

REFRAIN

Wala ngang maitutumbas, pag-ibig Mong sakdal, wagas

Naririto itong puso, iniaalay sa 'Yong ganap

Ama sana'y linisin Mo, tanggapin ang alay sa'Yo

Pagpupuring walang hanggan ang tanging nakayanan ko

CHORUS

Pagpapasalamat tanging maihahandog sa'Yo

Abang alipin sana ay lingapin Mo

Sa paglilingkod samahan, ang pagsamo ko

Upang maging dapat minimithing paraiso

Mahirap man itong buhay, pagsubok ma'y dumaratal

Kung minsan man ay kay bigat, nitong aking kalooban

Pagkat Ika'y naririyan, alalay sa kahinaan

Pag-asa ng aking puso, tagumpay ay makakamtan

REFRAIN

Wala ngang maitutumbas, pag-ibig Mong sakdal, wagas

Naririto itong puso, iniaalay sa 'Yong ganap

Ama sana'y linisin Mo, tanggapin ang alay sa'Yo

Pagpupuring walang hanggan ang tanging nakayanan ko

CHORUS

Pagpapasalamat tanging maihahandog sa'Yo

Abang alipin sana ay lingapin Mo

Sa paglilingkod samahan, ang pagsamo ko

Upang maging dapat minimithing paraiso

CODA

Upang maging dapat minimithing paraiso

TG Original SongsWhere stories live. Discover now