Awit ng Kaligtasan (TG)

10 0 0
                                    

Awit ng papuri ang nais kong awitin

Sa tuwing lumuluha nagsisilbing aliw

Musikang dalisay sa puso'y namumutawi

Pagkat Ikaw, oh Dios, ang aking pag-ibig

REFRAIN

Ang awit Mo ang s'yang aking naging kaligtasan

Kalasag ko sa pagbata sa 'king kalumbayan

CHORUS

Hesus, Ikaw ang aking Musika

Kanlungan ko sa tuwi-tuwina

Kapag puso't isip tila napapagod

Pinapawi ng pag-ibig Mong di masayod

Kapag nalulumbay, puso'y kumakaba

Aawit lang ng papuri't ito'y nawawala

Sadyang walang katulad awitin na makalangit

Sa awit ng sanlibuta'y 'di ko ipagpapalit

REFRAIN

Ang awit Mo ang s'yang aking naging kaligtasan

Kalasag ko sa pagbata sa 'king kalumbayan

CHORUS

Hesus, Ikaw ang aking Musika

Kanlungan ko sa tuwi-tuwina

Kapag puso't isip tila napapagod

Pinapawi ng pag-ibig Mong di masayod

CHORUS

Hesus, Ikaw ang aking Musika

Kanlungan ko sa tuwi-tuwina

Kapag puso't isip tila napapagod

Pinapawi ng pag-ibig Mong di masayod

CODA

Pinawapawi ng pag-ibig Mong di masayod

Ang aking Musika

TG Original SongsWhere stories live. Discover now