Awit ng Puso (May Cel 2010)

7 0 0
                                    


O Dios ay dinggin pagsamo't dalangin

Sa sala'y linisin, puso'y dalisayin

Lagi Mong kupkupin kami'y ariin

Upang aming kamtin ang bayan Mo'y sapitin


H'wag Mong babayaang sa'Yo ay mawalay

Lagi Mong samahan landas nitong buhay

Sa paglilingkod ay Ikaw ang patnubay

Upang kasakdala'y maabot na tunay


Pasasalamat ang sa 'Yo'y tanging alay

Hanggang sa langit na walang hanggang buhay


Sa awa't kabutihan Mong ibinigay

Sampu ng tangkilik at hiram na buhay

Pagdamutan Mo ang aming pag-aalay

Ng pag-ibig na wagas at madalisay


Sana'y masilayan ang 'Yong kagandahan

Na pangarap namin t'wina'y masumpungan

Lakip ang pagsinta sa 'Yong kabanalan

Paging dapatin sa buhay walang hanggan


Magpakailan man ay aming pupurihin

Ang Pangalan Mo'y palaging sasambahin

Sasambahin


Pasasalamat ang sa 'Yo'y tanging alay

Hanggang sa langit na walang hanggang buhay

Sa awa't kabutihan Mong ibinigay

Sampu ng tangkilik at hiram na buhay

Pagdamutan Mo ang aming pag-aalay


Ng pag-ibig na wagas (3x)

At madalisay

TG Original SongsWhere stories live. Discover now