Alay sa Dakilang Tumawag

4 0 0
                                    


Kami ngayo'y aawit ng may kagalakan

Hanggang doon sa langit ay papupurihan

Magpakailanman...


Kami ngayo'y naririto umaawit sa 'Yo

Nagagalak ang puso at kami'y tinawag Mo

Upang Ika'y paglingkuran ng buong puso

Hanggang sapitin ang Bayang paraiso


Nadarama'y buong galak na hindi magwawakas

'Pagkat kami'y hinirang Mo't Iyong iniligtas

Ika'y papupurihan ng pagibig na tunay

Pasasalamat ay aming iaalay


CHORUS

Salamat kami'y Iyong tinawag

Salamat sa awa Mo't habag

Kami'y Bayang hirang mula sa silangan

Maglilingkod sa 'Yong walang hanggan


Sa'Yong pagibig na wagas kami ay nagagalak

'Pagkat kami'y nilingap Mo't inibig ng tapat

Kaya't kami naghahandog ng pasasalamat

Walang hanggang buhay aming makakamtan


CHORUS

Salamat kami'y Iyong tinawag

Salamat sa awa Mo't habag

Kami'y Bayang hirang mula sa silangan

Maglilingkod sa'Yong walang hanggan


BRIDGE

Aleluia, Aleluia

Magpakailanman


CHORUS

Salamat kami'y Iyong tinawag

Salamat sa awa Mo't habag

Kami'y Bayang hirang mula sa silangan

Maglilingkod sa'Yong walang hanggan

Hanggang sa bayan Mong kalangitan

TG Original SongsWhere stories live. Discover now