Ating Tiisin

6 0 0
                                    


Magkasama sana tayo

Saan mang dako pumunta

Walang manlalamig

Walang mang-iiwan

Maglingkod ng masaya

Wala na sanang mawala pa

Sa ating pagsasama

Manatiling tapat sa aral ni Hesus

Pagka't Siya'y malapit na

Chorus:

Atin ngang tiisin

Ang hirap na nadarama

Ating paglalakbay

sa mundong ito'y pansamantala

Huwag kang manghina

Lumaban ka pagkat S'ya'y

Laging karamay

Si Hesus ay ating kasama

H'wag na sanang panghinaan

Ang hirap ay lulunasan

Idalangin sa 'ting Dios

S'ya ang ating lakas

At gagabay sa 'ting buhay

Chorus:

Atin ngang tiisin

Ang hirap na nadarama

Ating paglalakbay

sa mundong ito'y pansamantala

Huwag kang manghina

Lumaban ka pagkat S'ya'y

Laging karamay

Si Hesus ay ating kasama

CODA

Huwag kang manghina

Lumaban ka pagkat S'ya'y

Laging karamay

Si Hesus ay ating kasama

Si Hesus ay ating kasama

TG Original SongsWhere stories live. Discover now