Awit ng Pagibig Mula sa Puso

9 0 0
                                    


I

Ang buhay namin dati'y walang kabuluhan

Ngayon ay nagkaro'ng saysay sa'ming katungkulan

Ituro Mo sa'min landas na dapat lakaran

Upang kaloob Mo sa'min ay 'wag mapabayaan

II

Luha'y 'di mapigil na pumatak sa'ming mata

Puso'y nagsisisi nahihiya sa'Yo, Ama

Humihingi ng tawad at ng Iyong awa

Ngayo'y lumalapit sa'Yo, Panginoon, lingapin Mo

CHORUS 1

Alay sa 'Yo ang awit ng pag-ibig

Mula sa bayan Mong mapagpasalamat

Sa'Yong kaloob na 'di masabi

Sa 'Yo, O Dios, alay ang awit ng pag-ibig

III

O kay sarap mabuhay ng kapiling Ka, Ama

Ang puso namin ay laging puno ng pag-asa

Pagkat sapat ang biyaya Mo sa'min tuwina

Walang katapusan ang pag-ibig Mong sagana

CHORUS 2

Dinggin Mo ang awit na mula sa aming puso

Awit ng pasasalamat iniaalay Sa 'Yo

Sa lahat ng kabutihan at kagandahang-loob

Buhay nami'y puno ng kulay

Kay sarap Mong magmahal

Kaya't tanggapin ang awit na mula sa aming puso

CHORUS1

Alay sa 'Yo ang awit ng pag-ibig

Mula sa bayan Mong mapagpasalamat

Sa'Yong kaloob na 'di masabi

Sa 'Yo, O Dios, alay ang awit ng pag-ibig


CHORUS 1

Dinggin Mo ang awit na mula sa aming puso

Awit ng pasasalamat iniaalay Sa 'Yo

CHORUS2

Alay sa 'Yo ang awit ng pag-ibig

Mula sa bayan Mong mapagpasalamat

Sa 'Yong kaloob na 'di masabi

Sa 'Yo, O Dios, alay ang awit ng pag-ibig

(Sa lahat ng kabutihan at kagandahang-loob)

Buhay nami'y puno ng kulay

Kay sarap Mong magmahal

Kaya't tanggapin ang awit na mula sa aming puso

Sa 'Yo, O Dios, alay ang awit ng pag-ibig

Mula sa'ming puso

TG Original SongsWhere stories live. Discover now