Ang Pagibig Mo

5 0 0
                                    


Isang buong taon ang muling nagdaan

Salamat sa lahat ng Iyong pagmamahal

I.

Bawat sandali ng aking buhay

Punung-puno ng 'Yong kahabagan

At kung ako ma'y laging nagkukulang

Sagana ang awa't kabutihan

Chorus

Ang pagibig Mo ay nararamdaman

Sa bawat paglubog at pagsikat ng araw

At sa buong taon na muling nagdaan

Salamat sa lahat ng Iyong pagmamahal

II

Ako ay walang maitutumbas

Sa pagtitiis Mo't pagliligtas

Nawa'y tanggapin pagpapasalamat

Inaaalay sa 'Yo isip, puso't lakas

Chorus

Ang pagibig Mo ay nararamdaman

Sa bawat paglubog at pagsikat ng araw

At sa buong taon na muling nagdaan

Salamat sa lahat ng Iyong pagmamahal

BRIDGE

kahit na Ika'y napapalumbay

Inuunawa ang kahinaan

Chorus

Ang pagibig Mo ay nararamdaman

Sa bawat paglubog at pagsikat ng araw

At sa buong taon na muling nagdaan

Salamat sa lahat ng Iyong pagmamahal

CODA

Salamat sa isang taon na nagdaan

Amen

TG Original SongsWhere stories live. Discover now