Awit ng Pagpapasalamat

9 0 0
                                    

Ika'y aalayan ng pasasalamat

Kami'y magdiriwang aawit ang lahat

Magpupuring walang hanggan

Tanging sa banal Mong pangalan

Hanggang wakas nitong buhay


Hindi lilimutin magpakailan pa man

Ang 'Yong kabutihan sa 'ming walang hanggan

Iibigin naming wagas

Ang pagmamahal 'di kukupas

Hanggang langit na 'Yong Bayan


CHORUS

Maligayang umaawit itong kapatiran

Buong siglang nagpupugay sa katotohanan

Sa Iyo ang lahat ng karangalan at kapurihan

Oh Amang banal


Sa paraiso Mong anong sakdal, inam

Ang kalungkutan ganap nang naparam

Doon ay walang kamatayan

Lahat ng hirap lulunasan

Ligaya'y 'di magwawakas


CHORUS

Maligayang umaawit itong kapatiran

Buong siglang nagpupugay sa katotohanan

Sa Iyo ang lahat ng karangalan at kapurihan

Oh Amang banal


CHORUS

Maligayang umaawit itong kapatiran

Buong siglang nagpupugay sa katotohanan

Sa Iyo ang lahat ng karangalan at kapurihan

Oh Amang banal


CODA

Oh Amang banal

(Maligayang umaawit itong kapatiran)

Oh Amang banal

TG Original SongsWhere stories live. Discover now