Awit ng Pagibig (Alay Sa 'Yo)

5 0 0
                                    


Ang buhay namin dati'y walang kabuluhan

Ngayon ay nagkaro'ng saysay sa 'ming katungkulan

Ituro Mo sa'min landas na dapat lakaran

Upang kaloob Mo sa'min ay 'wag mapabayaan

Kaya't dalangin sa Iyo kami ay ingatan

Kasangkapanin ang aming mga kaliitan

Sana'y 'wag nang mawalay pa sa piling Mo, Ama

At nangangakong magtatapat samahan lang tuwina

CHORUS

Alay sa 'Yo ang awit ng pag-ibig

Mula sa bayan Mong mapagpasalamat

Sa 'Yong kaloob na 'di masabi

Sa 'Yo, O Dios, alay ang awit ng pag-ibig

O kay sarap mabuhay ng kapiling Ka, Ama

Ang puso namin ay laging puno ng pag-asa

Pagkat sapat ang biyaya Mo sa'min tuwina

Walang katapusan ang pag-ibig Mong sagana

CHORUS

Alay sa 'Yo ang awit ng pag-ibig

Mula sa bayan Mong mapagpasalamat

Sa 'Yong kaloob na 'di masabi

Sa 'Yo, O Dios, alay ang awit ng pag-ibig

BRIDGE

Alay sa 'Yo

Alay sa 'Yo

Tanging sa 'Yo

CHORUS

Alay sa 'Yo ang awit ng pag-ibig

Mula sa bayan Mong mapagpasalamat

Sa 'Yong kaloob na 'di masabi

Sa 'Yo, O Dios, alay ang awit ng pag-ibig

CODA

Sa 'Yo, O Dios, alay ang awit ng pag-ibig

TG Original SongsWhere stories live. Discover now