Aming Amang Liyag

2 0 0
                                    


I.

Mula nang masilayan ang Iyong ilaw

Sa puso at isipan ay naging tanglaw

Nabago ang lahat pati ang pananaw

Iyong nilingap ang pusong nauuhaw

II.

Ang bawat utos Mo'y nagsisilbing gabay

Sa bawat pagsubok na nagpapatibay

Pag-ibig Mo sa'min ang s'yang umaakay

Tungo sa landasin ng tunay na buhay

CHORUS

Salamat, O Ama, sa awa Mo't habag

Nilunasan Mo ang pusong may bagabag

Upang sa kat'wiran ay 'di na lumabag

Nang sa'Yo'y mapisan aming Amang liyag

III.

Natagpuan namin ang tunay na yaman

Higit sa ginto't pilak at karangalan

Sa'Yo nagmumula itong kabanalan

Ikaw ang S'yang Batong aming kaligtasan

CHORUS

Salamat, O Ama, sa awa Mo't habag

Nilunasan Mo ang pusong may bagabag

Upang sa kat'wiran ay 'di na lumabag

Nang sa'Yo'y mapisan aming Amang liyag

BRIDGE

Ikaw ang aming pag-asa at kanlungan

Nang maging dapat sa buhay walang hanggan

CHORUS

Salamat, O Ama, sa awa Mo't habag

Nilunasan Mo ang pusong may bagabag

Upang sa kat'wiran ay 'di na lumabag

Nang sa'Yo'y mapisan aming Amang liyag

TG Original SongsWhere stories live. Discover now