Awit ng Aming Pagibig

3 0 0
                                    


Intro

Aming isisigaw ng buong tapang

Kami ay lingkod Mo Amang Banal

Sasambahing lagi ang 'Yong pangalan

Magpawalang hanggan

I

Buhay namin noon, walang kabuluhan

Lugmok itong puso sa kalayawan

Nang makilala Ka sala'y nahugasan

Ngayon ang puso'y may takot sa 'Yong kautusan

II

Pangako ng puso magpakailan pa man

Ang buhay at lakas sa 'Yo ilalaan

sa paglilingkod at sa tungkuling bigay

Mananatiling lingkod Mo hanggang kawakasan

Chorus

Ito ang awit ng aming pagibig

Alay pasasalamat ng dibdib

Sa mga kagandahang loob

Na magpakailan man

Iyo ang lahat ng karangalan

Bridge

Hawakan Mo, Panginoon, ang aming kamay

Ituwid ang mga hakbang sa landas ng buhay

Sa puso ay iingatan dalisay na aral

Nang makamit ang buhay na walang hanggan

Chorus

Ito ang awit ng aming pagibig

Alay pasasalamat ng dibdib

Sa mga kagandahang loob

Na magpakailan man

Iyo ang lahat ng karangalan

Chorus

Ito ang awit ng aming pagibig

Alay pasasalamat ng dibdib

Sa mga kagandahang loob

Na magpakaylan man

Iyo ang lahat ng karangalan

Sa mga kagandahang loob

Na magpakailan man

Iyo ang lahat ng karangalan

Iyo ang lahat ng karangalan

Dakila Ka, Oh Dios Amang Banal

TG Original SongsWhere stories live. Discover now