Ang Awa Mo'y Magpakailanman

3 0 0
                                    

Kami'y magpupuri sa 'Yo habang nabubuhay

Buong kabuhayan namin sa 'Yo'y iaalay

Ang dahil kung kaya't kami'y umibig ng tunay

Binigyan ng saysay, pusong dati'y nahihimlay

Mula sa 'Yong kalangitan kami'y tinunghan Mo

Pinakinggan itong mga daing at pagsamo

Pinapaging laya kaming dati ay bilanggo

At sa kamataya'y niligtas at tinubos Mo

CHORUS:

Purihin Ka nitong aming puso't kaluluwa

At ang buong loob nami'y dinadakila Ka

Sa kagandahan ng kabanala'y sinasamba

Hanggang sa walang hanggan ay purihin Ka, Ama

T'wina'y aawit sa Iyo habang may hininga

Ito'y tungkulin na hanggang langit ay hahangga

Hindi kalilimutan ang mabuti Mong gawa

Magpapasalamat kailanpama'y purihin Ka

CHORUS:

Purihin Ka nitong aming puso't kaluluwa

At ang buong loob nami'y dinadakila Ka

Sa kagandahan ng kabanala'y sinasamba

Hanggang sa walang hanggan ay purihin Ka, Ama

CHORUS:

Purihin Ka nitong aming puso't kaluluwa

At ang buong loob nami'y dinadakila Ka

Sa kagandahan ng kabanala'y sinasamba

Hanggang sa walang hanggan ay purihin Ka, Ama

CODA:

Pagkat Ika'y mabuti

Ang awa Mo'y magpakailanman

TG Original SongsWhere stories live. Discover now