Aming Amang Banal

5 0 0
                                    


Panginoon salamat sa Iyo

Handog na nagmula sa 'ming puso

Aming iaalay ang buhay pati kalakasan

Dahil sa 'Yong mga kabutihan


Kahit hinamak sa sanlibutan

Iyong pinili at kinalugdan

Nilinis Mo ang madlang sala at kinaawaan

Kami'y binigyan ng kabuluhan


CHORUS

Aming Amang banal salamat sa Iyo

Wagas mula sa ubod ng aming mga puso

Tanging alay nami'y tapat na pagsuyo

Pagkat hindi magmamaliw mga paglingap Mo

Hanggang kalangitan Ika'y aawitan

Magpakailan pa man ng 'Yong buong bayan


Kaya naman ngayo'y nag-aalay

Ng awit na wagas, madalisay

Walang hanggan Kang pupurihin hanggang kalangitan

Doon sa bayan na Iyong laan


CHORUS

Aming Amang banal salamat sa Iyo

Wagas mula sa ubod ng aming mga puso

Tanging alay nami'y tapat na pagsuyo

Pagkat hindi magmamaliw mga paglingap Mo

Hanggang kalangitan Ika'y aawitan

Magpakailan pa man ng 'Yong buong bayan


BRIDGE

Ngayo'y nahahanda puso at kaluluwa

Tanging sa 'Yo lamang aming Ama


CHORUS

Aming Amang banal salamat sa Iyo

Wagas mula sa ubod ng aming mga puso

Tanging alay nami'y tapat na pagsuyo

Pagkat hindi magmamaliw mga paglingap Mo

Hanggang kalangitan Ika'y aawitan


CODA

Magpakailan pa man, kailanman

Papupurihan Ka hanggang kalangitan

Magpakailanman

TG Original SongsWhere stories live. Discover now