Ang Makapiling Ka'y Sapat

3 0 0
                                    


Pasasalamat ay iniaalay sa 'Yo

Handog naming mula sa ubod ng puso

Dinggin Mo ang aming wagas na pagsuyo

Tanging sa 'Yo lamang ang aming pagsamo


Samahan Mo kami hanggang kawakasan

Nang mamalagi sa Iyong kaharian

Mga paglingap Mo'y aming masumpungan

Mukha Mo sa katwira'y aming mamasdan


Chorus

Walang hanggan na papupurihan

Kailan pa man, Ika'y aawitan

Sasambahin sa katotohanan

Ang Iyong marangal na pangalan

Panginoon, Ika'y aalayan

Hanggang sa langit na 'Yong tahanan

Doon sa bayan Mong kalangitan

Pupurihin Ka ng walang hanggan


Ingatan Mo kami sa aming paglakad

Tulungan Mong sa utos Mo'y makatupad

Kahit kay hirap man nitong aming palad

Ang makapiling Ka sa amin ay sapat


Chorus

Walang hanggan na papupurihan

Kailan pa man, Ika'y aawitan

Sasambahin sa katotohanan

Ang Iyong marangal na pangalan

Panginoon, Ika'y aalayan

Hanggang sa langit na 'Yong tahanan

Doon sa bayan Mong kalangitan

*Pupurihin Ka ng walang hanggan


Bridge

Paguusig at pighati man ay maranasan

Sa Ngalan Mo'y tatanggaping buong kagalakan


Chorus

Walang hanggan na papupurihan

Kailan pa man, Ika'y aawitan

Sasambahin sa katotohanan

Ang Iyong marangal na pangalan

Panginoon, Ika'y aalayan

Hanggang sa langit na 'Yong tahanan

Doon sa bayan Mong kalangitan


Coda

Pupurihin Ka

Aalayan Ka

Aawitan Ka

Ng walang hanggan

Ooh...

TG Original SongsWhere stories live. Discover now