Awit Mula sa Puso

6 0 0
                                    


Naririto lumalapit kaming alipin Mo

Nanginginong sambitlain ang Pangalan Mo

Sa dami ng aming mga pagkukulang

At sa lahat ng aming nagawang kasalanan


Luha'y 'di mapigil na pumatak sa 'ming mata

Puso'y nagsisisi, nahihiya sa 'Yo, Ama

Humihingi ng tawad at ng Iyong awa

Ngayo'y lumalapit sa'Yo, Panginoon, lingapin Mo


Dinggin Mo ang awit na mula sa aming puso

Awit ng pasasalamat iniaalay sa 'Yo

Sa lahat ng kabutihan at kagandahang-loob

Buhay nami'y puno ng kulay

Kay sarap Mong magmahal

Kaya't tanggapin ang awit na mula sa aming puso


O kay ganda ng buhay pagkat kapiling Ka

Sakdal na pag-ibig inialay Mo, Ama

Sa Iyong Iglesia ngayo'y anong saya

Punung-puno ang aming puso ng pag-asa


Dinggin Mo ang awit na mula sa aming puso

Awit ng pasasalamat iniaalay sa 'Yo

Sa lahat ng kabutihan at kagandahang-loob

Buhay nami'y puno ng kulay

Kay sarap Mong magmahal

Kaya't tanggapin ang awit na mula sa aming puso


Dinggin Mo ang awit na mula sa aming puso

Awit ng pasasalamat iniaalay sa 'Yo

Sa lahat ng kabutihan at kagandahang-loob

Buhay nami'y puno ng kulay

Kay sarap Mong magmahal

Kaya't tanggapin ang awit na mula sa aming puso


Sa piling Mo'y walang kapantay

Salamat sa lahat-lahat

Kaya't tanggapin ang awit na mula sa aming puso

TG Original SongsWhere stories live. Discover now